Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SIBAKIN SILA SA COA AT DOE

$
0
0

DUMARANAS ng malalaking problema ang mahal kong Pinas dahil sa mga problema sa dalawang ahensya ng pamahalaan: ang Commission on Audit at Department of Energy.

Napakahirap intindihin ang mga ito at kung naintindihan mo naman ang nangyayari sa mga ahensyang ito, titindig naman ang iyong balahibo sa inis.

Maiinis ka dahil hindi na kumikilos ang mga ito ayon sa mga inaasahan ng mga mamamayan.

KAHINDIK-HINDIK SA COA

Noong nagtestigo ang ilang bosing ng COA ukol sa mga iskam umano ng tatlong itlog sa Senate Blue ribbon committee, naging kahindik-hindik umano ang korapsyon at pandarambong ng tatlong itlog.

Malaking papel ang ginampanan ng COA, kasama ang mga whistleblower, sa pagpapakulong sa tatlong itlog.

Kinumpirma ng COA ang mga paratang ng mga whistleblower ukol sa “iligal” umanong transaksyon ng tatlong itlog.

KAHINDIK-HINDIK ANG JDF

Makaraang resbakan ni Pangulong Noynoy ang mga Hukom sa Supreme Court na bumoto ng 13-0 sa Disbursement Acceleration Program, agad na bumira ang COA sa SC sa pagsasabing maraming kuwestyonable o “kahindik-hindik” ding transaksyon sa Judiciary Development Fund.

At kasunod na ito ng pagkilos ng mga tsuwariwap ng Palasyo sa Kamara para alisan na lang ang SC ng JDF.

Tinatawag ngayon ng Palasyo ang JDF na pork barrel o pinagkakakitaan lang ng mga hukom…gaya ng ginagawa mismo ng Palasyo sa DAP at ginawa ng mga mambabatas at Palasyo sa Priority Development Assistance Fund.

Anak ng tokwa, kahindik-hindi nga!

KAHINDIK-HINDIK PA RIN

Matapos na ma-Camp Crame ang tatlong itlog at makarsel sa iba ang umano’y mga tauhan at kasabwat ng mga ito, hinahanapan ng taumbayan ang COA ng mga rekord ng korapsyon at pandarambong naman ng mga kaalyado ng Palasyo sa Kamara at Senado…at taga-Palasyo na rin.

Anak ng 10 putakte, nahihirapan daw silang mag-ipon ng mga datos o ebidensya.

At kung bakit ay ‘yung mga rekord lang daw ng tatlong itlog ang ibinigay sa kanila ng Department of Budget and Management.

Nagturo ang taga-COA ng iba. Kahindik-hindik nga!

ISA PANG KAHINDIK-HINDIK

Ngayong hinahanapan ang COA ng rekord ukol sa DAP, mayroon naman umano. Pero DAP pa rin ng tatlong itlog ang mayroon at available kaagad.

Anak talaga ng tupa, magaling talaga ang COA sa paghahanap at paglalabas ng rekord ukol sa tatlong itlog.
Kahindik-hindi na malamang nagiging attack dog na rin ang COA ng mga nasa poder.

Ang hinahanap ngayon ng taumbayan, mga Bro, ay ang DAP na minaniobra mismo ng Palasyo at mga kaalyado nito kasunod ng malaking itlog na boto na nakuha nito mula sa mga mahistrado ng SC.

Sobrang tahimik ngayon ang COA kahit pa nagsisilabasan na sa media ang mga kabulastugan sa DAP sa kamay ng Palasyo…at mga kaalyado nito.

Aba, kahindik-hindik nga.

GRABENG KAHINDIKAN

Tanong: may kinalaman ba ang pananahimik ng COA sa PDAF at DAP ng mga dilawan ang ambisyon ng bosing ng COA na maging isang mahistrado ng SC?

At ang pagiging tuta sa Palasyo ukol sa kahindik-hindik na korapsyon at pandarambong ng mga nasa oposisyon ang Tuwid na Daan nito tungo sa pintuan ng SC?

Ginawa nang isang laruan lang ng Palasyo at ambisyoso ang COA na nilikha ng Konstitusyon bilang independiyente o malaya sa kamay ng kahit sino pagdating sa pagsusuri sa mga paggamit ng salaping-bayan, ari-arian ng gobyerno at mga transaksyon nito.

Kahindik-hindi pa rin!

NAKABA-BLACKOUT

Ito namang DOE, eh, nakaba-blackout at nakaba-brownout ang dating.

Akalain ba nating inilalakad nito na bigyan ng Kongreso si PNoy ng emergency power para lutasin daw ang napipintong kakulangan ng kuryente ng Pinas sa mga susunod na taon.

Apat na taon nang alam ng DOE na kukulangin ng kuryente ang bansa pero wala itong ginawang hakbang ukol dito maliban sa pagtatayo ng isang pinirata yatang power plant.

‘Yung bang === galing daw sa Tsina na maya’t maya ay nasisira.

Ang pinagkakaabalahan lang yata ng mga hayop diyan sa DOE ay maging abogado ng mga kompanya ng langis para laging mahal ito at makapaningil ang gobyerno ng malaking expanded value added tax.

At magmukhang inutil para magkakrisis sa kuryente para pa rin sa malaking EVAT sa kuryente.

KAHINDIK-HINDIK NA KAINUTILAN

Anak ng tokwa, kahindik-hindik naman ang kainutilan ng DOE.

Lumalabas na wala itong matagalang plano kahit man lang para sa susunod na lima hanggang 10 taon at lalong wala itong programa para sa susunod na 50 taon na karaniwang buhay ng mga kontrata, prangkisa at kompanya sa Pinas.

‘Yung mga matatandang kompanya nga ay naka-100 taon na, pati ang mga relihiyon.

Pero ang DOE, na bahagi pa mandin ng gobyerno ay wala sa isip ang mga ito.

Wala silang pakialam kung maghirap ang mga mamamayan sa blackout-brownout at kung hindi uunlad ang ekonomiya ng Pinas sa kakapusan ng kuryente.

PAGSISIBAKIN NA SILA

Dahil sa kahindik-hindik na pagiging tuta sa politika at kainutilan ng pamunuan ng COA at DOE, dapat silang pagsisibakin at palitan ng mga tunay na may malasakit sa bayan at may bisyon para sa kinabukasan ng Pinas.

Sibakin na sila, now na, kasama ang sinomang ayaw sumibak sa kanila. Hehehe!

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>