Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GALIT NA SI MANG JUAN

$
0
0

NAGHUHUMIYAW sa tuwa si Mang Juan nang marinig nito sa kanyang inaugural speech ang mga katagang nagpapahiwatig ng pag-asa. Kanyang inakala noon na dumating ang isang ‘anghel’ na magdadala ng tunay na pagbabago sa bansang matagal na pinagharian ng mga dorobo.

Sa unang bugso ng pamamahala, okey si PNoy kay Mang Juan. Inurirat ang mga ahensya na mistulang naging ‘tabakuhan’ ng magkakakutsabang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Hindi nga naman nagtagal, nakilala ang mga korap sa gobyerno ay isa-isang ibinibiyahe sa mga kulungan dahil may katotohanan.

Palakpak ang tenga ni Mang Juan. Ang galing ni PNoy dahil sa dami nang lumipas na pangulo, siya lang ang nakagawa nito.

Habang abala ang Aquino administration sa pangingilala sa mga korap sa gobyerno, nakakalimutan naman ang sinumpaang serbisyo.

Hindi dahil ang Aquino administration ay ‘di nagtratrabaho – maraming nagawa ang kasalukuyang liderato, pero bakit nagrereklamo pa si Mang Juan.

Oo nga’t nakikita ang paglago ng ekonomiya, ‘di naman daw nararamdaman. Dahil walang pagbabago, bagkus lalo pang naghihirap ang buhay, kaya ‘di maiwasang uminit ang ulo ni Mang Juan.

Nabulgar pa ang DAP issue na ayon sa SC ay binaluktot ng mga tagapagtaguyod ng tuwid na daan, kaya buwisit na buwisit si Mang Juan. Bukod sa DAP controversy, nagbabadya ang krisis sa kuryente.

Kung babalik ang dekada 90 na sa tutuwina ay nagpapaypay ang buong bansa dahil sa maya’t mayang brown-out, baka maghuramentado na si Mang Juan. Kayang labanan ni Mang Juan ang init, pero ang mawalan ng pagkakitaan dahil nagsasara ang maraming negosyo dahil power crisis, malaking problema ‘yan. Magugutom si junior na tiyak na ‘di masisikmura nina itay at inay.

Nguni’t apat na taon pagkatapos marinig ang mga katagang binitawan ng Pangulo na nagbigay sa kanila ng pag-asa, ngayo’y galit na si Mang Juan.

Wala naman daw kasing nangyari sa mga inasahan nila mula sa taong inakala nilang magdadala ng basket ng tagumpay para guminhawa ang kanilang buhay.

Galit na si Mang Juan! CHOKEPOINT/Bong Padua


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>