Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

JUETENG SA SPD NAKAPATONG NGA BA SI GEN. VILLACORTE?

$
0
0

NGAYON, bigyan natin ng daan itong reklamo ng isang taga-Muntinlupa na may kaugnayan sa talamak na operasyon ng jueteng sa kanilang lugar.

Isang alyas Allan Manuela raw ang siyang may kontrol ng operasyon ng jueteng mula sa mga lungsod ng Muntinlupa, Parañaque at Las Piñas.

Ibang klase raw itong si Allan Manuela dahil kaya niyang hawakan ang pinakatungki ng ilong ng sinomang opisyal ng PNP.

Katunayan nga, sa kabila ng lantaran at talamak ang operasyon ng jueteng (137) sa mga nasabing lungsod ay patuloy namang nagbubulag-bulagan itong sina SPD Regional Director Supt. Erwin Villacorte at si DID Supt. Aniceto Partosa.

E, palibhasa walang ipinagmamayabang itong si Allan Manuela kundi ang pagbibigay raw niya ng pera kina Gen. Villacorte at Col. Partosa.

Kaya kahit talamak at lantaran ang operasyon ng 137 sa SPD ay dinededma lamang ng mga opisyales na ito. Ikaw nga naman ang tumanggap ng kalahating milyong piso kada linggo mula sa jueteng ni Allan Manuela.

Ewan ko na lang kung hindi ka tumahimik dahil sa hindi mo nga naman kikitain ang perang ito sa pagpupulis mo.

Mag-aantay ka pa sa pagretiro mo sa serbisyo.

Alam n’yo ba ito, NCRPO chief Gen. Mel Valmoria?

BOOKIES PADER KAY MAYOR HALILI

Sa Tanauan, Batangas ay patuloy pa rin daw na nagpapa-bookies ng STL itong si Paul Fajardo kahit na sangkatutak ng mga nagrereklamong Tanaueño.

Maging si Tanauan Mayor Thony Halili ay daig pa ang bulag dahil parang wala siyang nakikita kahit abot-tanaw na lang mula sa munisipyo ang bolahan.

Bakit, malaki ba ang tongpats na ibinibigay ni Paul Fajardo sa kanya? Mayor, ala e mahiya naman kayo!!!

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa  09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo. com. JUAN DE SABOG/Johnny Magalona


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>