Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG KALOKOHAN NG PROFRIENDS

$
0
0

MUKHANG nakababahala na ang dami ng reklamo sa ginagawang panggagantso ng real estate company na ProFriends (Property Company of Friends) at sa tingin ko kinakailangan nang kumilos itong si Vice-President Jojo Binay ukol dito bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Matindi ang panggogoyong ginagawa ng naturang kompanya at ang masaklap ay mga kababayan nating hikahos din sa buhay ang kanilang nabibiktima.

Kapag hinihikayat ka pa ng mga ahente ng kompanyang ito upang bumili ng lupa’t bahay sa kanila, kulang na lang ay sabihin sa iyo na ibibigay nila ito sa iyo nang libre. Palalabasin nila na napakadali lang ang proseso upang makakuha ka sa kanila ng bahay at lupa at magaan din ang bayaran.

Ayon na rin sa isang reklamo ng isa sa mga nabiktima ng ProFriends, sinabihan siya na maaari siyang mabigyan ng housing loan kahit wala siyang kopya ng Income Tax Return (ITR), proof income at iba pang mga kinakailangan na dokumento.

Dahil dito ay agad namang kumagat ang biktima kaya nagbayad siya ng equity na umabot sa P270,000 sa pag-aakalang plantsado na ang lahat at mapapasakamay na niya ang kanyang pinapangarap na lupa’t bahay para sa kanyang bubuuing pamilya.

Ang masaklap ay lumipas ang ilang buwan ay tila nakalimutan na siya ng ProFriends at noong nag-usisa ang biktima tungkol sa status ng kanyang housing loan at halos manlumo siya noong malaman na hindi pa pala gumagalaw ang kanyang papeles.

Noong magreklamo siya ay bigla raw siyang sinabihan na hindi talaga gagalaw ang kanyang papeles dahil kulang-kulang ang kanyang mga dokumento.

Aba’y kung hindi ba naman kampon ni Satanas itong mga taga-ProFriends, eh, bakit pinabayaan pa nilang magbayad ng equity itong biktima kung alam nilang ‘di rin pala uubra ang kanyang loan? Ang gagarapal ng mga ulol na ito!

Napakarami pa ang reklamo tungkol sa ginagawang panloloko ng ProFriends sa kanilang mga pinapasakay na kliyente at sa palagay ko ay kinakailangan na ring imbestigahan ito.

Hindi malayong kagaya rin ng Globe Asiatique ang ProFriends na isang malaking scam ang kanilang operasyon.

Mukhang kinakailangan ding makasuhan at makulong dahil sa large scale swindling itong demonyong may-ari ng ProFriends na ito.

Maliban pa sa panloloko ng ProFriends sa kanilang mga prospective buyer, substandard din umano ang kanilang itinatayong mga bahay. Iyong isa nilang subdibisyon na ipinatayo ay nagmimistulang dagat tuwing tag-ulan dahil sa kawalan ng maaayos na drainage system.

Hay naku, sana ay masagasaan ng pison ang mga taong nasa likod ng ProFriends nang sa gayon ay sa impiyerno na lang sila manloko.

Kawawa naman ang ating mga kababayan na ang tanging kasalanan ay mangarap na magkaroon ng disenteng bahay at lupa kapag pinabayaan pang makapanggoyo ang naturang kompanya.

***
Para sa inyong komento at suhestyon, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/Gil Bugaoisan


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>