Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAYSA BUMILI NG SASAKYAN

$
0
0

LAGI ngayong napag-uusapan ang problema sa transportasyon. Sa TV, sa radyo, mga pahayagan, sa mga malalaking pagpupulong at conference at maging sa mga simpleng umpukan.

Hindi lang marahil dahil matandang problema na nating lahat ang isyu ng sistema ng transportasyon sa bansa, kundi dahil na rin sa mga plano ng gobyerno na iayos ang problemang ito.

Mga plano na inilalatag sa publiko at natural na nakae-engganyo ng mga opinyon, pagpuna at maging pagdududa. Hindi simple ang suliranin na kinakaharap ng Department of Transportation and Communication (DOTC), ng Land Transportation Office (LTO) at maging ng Land Transportion Franchise and Regulatory Board (LTFRB) dahil ang ibig-sabihin ng pagsasaayos ng problema ng transportasyon sa kabuuan ay ang pagpapaangat ng kabuhayan ng bawat mamamayan sa pangkalahatan.

Halimbawa, hindi ba at ang tingin natin sa mga bansa tulad ng Singapore ay mayaman ito? Kung bumibisita tayo sa Singapore, ang una nating napapansin at hinahangaan ay ang maayos at epektibong sistema ng komunikasyon. Napakaliit ng bansang Singapore kung ikukumpara sa ibang bansa, natural maliit lang ang kanilang mga lupa na siguro ay tinayuan nila ng mga kalsada.

Siguro ay naging malaking hamon sa kanila kung paano mabibigyan nang maayos na serbisyo ng transportasyon ang mga naninirahan doon. Hamon na kanilang natugunan.

Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Marahil kung pag-aari lang ng pamahalaan ang lahat ng lupa ay mas madali ang pagsasaayos.

Pero may mga konsiderasyon ng land owenership kaya hindi simple ang paglalatag ng mga solusyon.

Hinihikayat ang bawat isa na pag-aralan din ang mga sistema ng transportasyon sa ibang bansa para makapagmungkahi tayo sa ating pamahalaan. Isa pa, kung alam natin ang patakaran sa ibang bansa ay maaaring mas maintindihan natin ang mga ginagawang paraan dito ng ating gobyerno.

Isang inspirasyon ang minsang narinig ko at tumimo sa aking isip at puso – na ang dapat nating magawa ay mahikayat ang mayayaman na mas piliing sumakay sa mga public transportation kaysa mapilitan ang mahihirap na bumili ng sariling sasakyan. SIBOL/Atty. Ariel Enrile-Inton


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>