Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PNOY PARANG BAGYO

$
0
0

PARANG bagyo ang pag-iisip ni Pangulong Benigno Aquino III dahil sa bilis nitong magpalit ng direksyon.

Noong una, pilit na kinakalaban ng Pangulo ang marami sa mga mamamayan lalo na ang mga mamamahayag sa pagpupumilit nito na hindi kailangang maipasa kaagad ang Freedom of Information (FOI) bill.

Nang naipasa na ito ng Senado, ibinabandera naman ng Malakanyang ang pagkukumahog ng pamahalaang Aquino sa pagpapasa ng Freedom of Information na posibleng kabilang pa sa mga nilalaman ng State of the Nation Address (SONA) nito ngayong araw ng Lunes.

Bakit naman ngayon lang naisip ni Pangulong Benigno Aquino III ang kahalagahan ng FOI Bill?

Sa totoo lang ay matagal na itong ipinaglalaban ng mga mamamahayag sa pangunguna ng National Press Club of the Philippines.

Ayon sa Palasyo, posibleng maipasa ang nasabing bill bago matapos ang termino ni Pangulong Aquino.

Eh, bakit nga ngayon lang naisip ng Pangulo na importante pala ang FOI bill lalo na sa mga mamamahayag?

Samantalang noong humarap siya sa mga kilalang negosyante noong mga nakaraang linggo ay pilit at iginigiit nito na hindi ito masyadong “urgent” kaya’t pwedeng abutin pa ng 2016 bago maipasa.

Ilang beses na rin namang ipinagyabang ni Pangulong Noynoy na suportado niya ang FOI bill pero tila lumabas lang sa bibig ang kanyang sinabi at hindi nagmula sa kanyang puso sapagkat hindi kabilang ang bill na ito sa “priority legislation” sa loob ng kanyang mahigit kalahating termino ng panunungkulan.

Ano nga ang nagpabago sa “saradong isip” ng Pangulo?

Para maipakitang may “transparency” sa kanyang pamumuno? Teka, kailan pa?

Hindi ba’t puro pagtatakip nga ang ginagawa mo sa mga opisyal na kadikit mo?

Mr. President, baka naman pwedeng gumising ka na?

Babangungutin ka na sa pangarap mo na tahakin ang “Daang Matuwid” gayung mismong ikaw ay hindi mo kayang pangunahan.

Maaaring layunin ni Pangulong Aquino na tahakin ang daang magbibigay ng disiplina sa mg mamamayan noong panahon ng kampanya pero noong aktwal na na nakuha na niya ang puwesto at nahirati na siya sa mga bulong at ngatngat sa tainga ng kanyang mga consultant at adviser.

Kaya nga nasira nang nasira ang kredibilidad ni PNoy pagdating sa pamumuno.

At para makabawi sa lahat ng panunuya at pagkalaban sa kanya ng mga mamamayan ay bilang ng ‘360 degrees ang pihit ni PNoy kaugnay sa kanyang suportang ibinibigay sa FOI bill.

Parang bagyo rin ang mabilis na buhos pero baka sa bandang huli ay bigla ring titigil upang bigyang-daan ang pagsikat ng araw.

Baka ningas-kugon lang ang suporta ng Pangulo sa FOI bill na matagal-tagal na rin namang hinihintay ng mga tao na maipasa upang magkaroon ng transparency at matapos na ang pamamayagpag ng mga nangungurakot sa kaban ng bayan na sanhi ng paghihikahos ng mga mamamayan. PAKUROT/Lea Botones


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES