Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NASAAN NA ANG PART 2 NG PDAF SCAM?

$
0
0

AKALA ko ba ay may Part 2 ang Department of Justice (DoJ) para sa mga involved sa Priority Development Assistance Fund na kakasuhan ng Office of the Ombudsman?

Mukhang nakalimutan na ‘yan ng DoJ at Ombudsman dahil ang sentro pa rin ng anomalyang ito ay sina senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla at syempre si Ma’am Janet Napoles.

Nabaon na yata sa limot ang mga sangkot sa PDAF na sina dating Customs Commissioner Ruffy Biazon, dating senador na si Ed Angara, sina Congressmen Neptali Gonzales II at Niel Tupas, Jr., at marami pang iba na katulad ni Agriculture Proceso Alcala.

Bukod pa riyan ay ang Malampaya scam na involved pa rin si Napoles at mga mambabatas at local government official.

Ngayon ay nasa kabanata na tayo ng Development Assistance Program (DAP) na sila pa rin ang pinaghihinalaang sangkot sa scam na ito.

Bakit kaya naudlot ang paghain ng demanda sa mga ito? Isa ba itong kababalaghan? Tuloy, may mga nagsasabing hindi na interesado si Pangulong Noynoy Aquino dahil baka masabit pa sa kaso ang kanyang mga kaalyado, kapartido at mga kaibigan.

Kaunting kaalaman at balik-tanaw: Ang PDAF ay ang Country Development Fund na itinatag ni Pangulong Corazon Cojuangco Aquino at ipinagpatuloy naman ni Pangulong Fidel Ramos. Pag-upo naman ni Pangulong Erap Estrada ay pinangalanan niya itong PDAF na in-adopt ni Gloria Macapagal-Arroyo at ni Noynoy Aquino.

Kaya CDF o PDAF man ito ay maliwanag na bilyon-bilyong piso ang naibulsa ng mga opisyal ng gobyerno at ang mga mambabatas. At ayon sa Supreme Court, ito’y unconstitutional at labag sa batas.

Ngayon ay DAP na ang tawag sa pork barrel na ito pero muli itong na-declare na unconstitutional at iligal.

Pero ayaw talagang tantanan ng Palasyo at ng Congress ang trilyon-trilyong pera ng bayan na gustong ibulsa ng masasamang tao kaya sa bagong budget ng Congress, malamang na may bago na namang pangalan ang pork barrel. DEEP FRIED/Raul Valino


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>