UNAHAN na natin ang Pulse Asia ukol sa pagsarbey-sarbey nito.
Sa susunod na sarbey, pwede bang isama na ninyo ang Palasyo ukol sa trust rating o pagtitiwala ng mga mamamayan sa Kamara, Senado at Supreme Court.
Kung hindi ninyo gagawin ito, tiyak na pagsususpetsahan na kayo ng mga tao, kasama na me.
Hak-hak-hak!
Ayon sa sarbey, lumagapak ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa Senado at Kamara samantalang konti lang ang pagbaba ng pagtitiwala nila sa SC.
Mula sa 100 katao, bumagsak ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa Senado mula sa 42 noong Disyembre 2013 hanggang sa 31 lamang nitong Hunyo. Bumagsak pa ang grado ng Kamara mula sa 39 sa 29 na lang.
Mula sa 46 na boto, bumaba lang sa 42 ang sa Hukuman.
Sa performance o gawain ng mga ahensyang ito, nakakuha ang Supreme Court ng 49 boto, ang Senate ay hanggang 33 lang habang hanggang 34 lang din ang Kamara.
Sa kawalan ng gana o disapproval ratings, 13 lang ang nakuha ng SC samantalang nasa 23 ang sa Senado at 21 sa Kamara.
Sa kawalan ng pagtitiwala, pinakamataas ang grado ng Senado sa botong 20, Kamara – 19 at SC – 10.
Sa kabuuan, parekoy, lagapak ang boto ng Senado at Kamara habang oks sa mga mamamayan, bagama’t bagsak pa rin. ang SC.
Kung tutuusin, bagsak ang tatlong ahensyang ito dahil wala man lang naka-50+1 na boto ang mga ito. Nangangahulgan na palpak sila lahat sa trabaho at pagtitiwala.
Sakaling hindi tayo pinagloloko ng Pulse Asia, dapat na magising ang mga ahensyang ito ng pamahalaan, lalo na ang Senado at Kamara.
Paano nga namang magtitiwala at mag-oks ang mga mamamayan sa mga hijo de putang senador at kongresman kung lumalabas na sila’y halos lahat ay bigtime na kawatan at nagtatakipan pa.
O kayong mga senatong at tongresman, aba, magbalot-balot na kayo! Hak-hak-hak! BURDADO/Jun Briones
