NITONG Martes, ika-5 ng Agosto 2014, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa siyam na pamilihan sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market, Muntinlupa Public Market, Pasay Public Market; Commonwealth Market, Mega Q Mart at New Arayat Market at Muñoz Market sa Quezon City, Polo Market sa Valenzuela at Mandaluyong Public Market.
Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P190.00 hanggang P200.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa Pasig City Mega Market, Muntinlupa Public Market at Commonwealth Market.
Ang liempo naman ay mabibili ng P200.00 hanggang P220.00. Ang pinakamura ay mabibili sa Pasig City Mega Market, Muntinlupa Public Market at Commonwealth Market.
Ang fully-dressed chicken ay nagkakahalaga ng P145.00 hanggang P150.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa Muntinlupa Public Market, Pasay Public Market at Mega Q Mart sa Quezon City.
Samantala ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa halagang P4.50 kada piraso sa Muñoz Market sa Quezon City.
Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P90.00 hanggang P140.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P85.00 hanggang P120.00 kada kilo.
Ang murangbangus (medium) ay mabibili sa New Arayat Market at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market at Pasay Public Market.
Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P70.00 hanggang P900.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P60.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P50.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P45.00 hanggang P60.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P60.00 hanggang P80.00 kada kilo.
Mabibiling murang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P70.00 per kilo sa Pasig City Mega Market gayundin ang scorpio cabbage sa halagang 40.000 kada kilo. Makabibili naman ng P50.00 per kilo ng carrots sa Pasig City Mega Market, Muntinlupa Public Market at Pasay Public Market. Ang kamatis sa halagang P400.00 per kilo naman ay mabibili sa Pasig City Mega Market, gayundin ang pulang sibuyas sa halagang P45.00 at talong na mabibili sa halagang P60.00 per kilo. ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong

