Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SILIPIN ANG 202

$
0
0

NAGING malaking isyu ang traffic nitong mga nakaraang araw dahil sa sagutan ng mga ahensya ng gobyerno na naatasan mag-ayos ng sitwasyon sa ating mga kalsada.

Mas naging kontrobersyal ang turuan ng sisi kaysa mga aktwal na aksyon para maayos ang problema.

Ang mas nakasasama ng loob minsan para sa mga tulad kong public servant ay ‘yung halos mapagbintangan na siyang dahilan ng problema dahil hindi alam ang ginagawa.

Ako po ay isang abogado at naiintindihan ko ang puso ng batas, at alam ko ang minsan ay pagkakagapos ng kamay ng ating mga public servant dahil sa itinatakda ng batas.

Halimbawa ay ang isyu ng Land Transportation Franching and Regulatory Board (LTFRB).

Hindi makatarungan na ituro ang LTFRB na nag-iisang dahilan ng problema sa trapiko.

Napakarami nang taon na problema ang traffic at hindi lang LTFRB ang dahilan ng lahat ng problema.

Pero hindi na rin magandang pakinggan na parang naghuhugas kamay lang lagi.

Kaya kailangan ang konkretong solusyon.

Una ay ang pagsilip sa executive order na bumuo sa LTFRB.

Napakaganda ng intensyon ng pagkakatatag ng LTFRB noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino, ang ina ng demokrasya ng bansa.

Nilagdaan ni President Cory ang Executive Order 202 noong 1987 na ang pangunahing layunin ay ang pangarap na mapagkalooban ang mga Pinoy ng world-class land transportation service na mag-aangat sa kondisyon ng traffic sa bansa.

Ngayon, higit na sa dalawang dekada ang nakararaan at hindi pa naiaayos ang traffic situation sa bansa. Saan ang mali? Ano ang ‘di nagawa? Ano ang ‘di nasunod sa mandato ng EO 202?

Sabi nga ng iba, pwedeng maging legacy ni Pangulong Aquino ang maiayos ang trapiko sa mga pangunahing lansangan sa bansa.

Pero para mangyari ito, dapat masilip ang mga lumang kautusan at tingnan kung saan may pagkukulang.

Tulad ng EO na bumuo sa LTFRB at maging sa Administrative Code ng 1987 kung saan maraming provisions sa EO 202 ang nakaipit at nakasabit.

Hindi imposible ang pagsasaayos ng problemang ito, pero dapat umpisahan ang repair sa puno at sa ugat, at iyan ay pagsasaayos ng kautusan na magbibigay ngipin sa mga ahensya, tulad ng  LTFRB. SIBOL/Atty. Ariel Enrile-Inton


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes