Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MALI PERO TAMA SI MAYOR BISTEK

$
0
0

TAMA ang ginawang pagsampilong ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa isang tulak ng iligal na droga na nasakote ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) nitong nakalipas na Biyernes.

Pero ang sabi ni Aling Etta ng Commission on Human Rights (CHR), mali ang ginawang ito batay sa prinsipyo ng karapatang-pantao. Agad namang humingi ng paumanhin si Mayor Bistek sa publiko pero hindi sa tsekwang bastos.

Mali na kung mali pero sa inasal-hayop nung tsekwa na iyon sa harap ng taumbayan ay talagang makasasampilong ka ng tao. Sinomang matinong tao ay malilimutan saglit ang tama para lamang madagukan mo ‘yung animal na ‘yun.

Kitang-kita ang tinatawag na ‘provocation’ o ang termino sa ating mga tindahan ay urot o kaya ay nang-aasar. Harapan niyang binastos ang ating batas maging ang ating mga awtoridad kabilang na si Mayor Bistek.

Tama ang CHR sa karapatang-pantao subalit hindi ako naniniwala sa ‘absolute right’. Ang karapatan natin ay hanggang doon lamang kapag nagsimula na ang karapatan ng ibang tao.

Sa restoran kung saan sinasabi na ‘the customer is always right’ ay kulang kaya mali ito.

Ang tama ay ‘the customer is always right but this right ends when the right of the restaurant owners and employees begin’.

May karapatan ang mga tindero na magtinda sa kalye para sa kanilang kabuhayan pero hindi nila pwedeng tapakan ang karapatan ng mga motorista na gamitin ang kalye.

May karapatan ‘yung tsekwa na iyon pero hanggang doon lamang kapag nagsimula na ang karapatan ng mga awtoridad gaya ni Mayor Bistek. Kinakausap nang matino pero bastos kaya nasampilong.

Ipinunto nung isang kilalang pilosopo na idolo ko paminsan-minsan ay ganito: Tayong mga tao ang pinakamataas na uri ng hayop kaya ‘wag tayong magpakatao, hayop dapat. Grrrr…

Akala yata nung tsekwa ay siya lamang ang may asal-hayop. Kapag napipikon tayo ay lumalabas din ang pagiging hayop natin lalo na kapag naisip mo na maraming buhay na kikitilin ng iligal droga na bitbit nung tulak na iyon.

Gusto na tuloy ngayon isulong ni Mayor Bistek na maibalik ang parusang bitay kaya tiyak may batikos iyan. Pero ang karapatang mabuhay ng mga gumawa ng karumal-dumal na krimen ay tapos na nang tapusin nila ang karapatang mabuhay ng kanilang mga biktima.

Kaya lang may problema. Bagaman pabor ako sa parusang bitay ay ayaw ko pa rin ito sa Pinas dahil sa sistema ng ating hudikatura. Walang kasiguraduhan na ang mahahatulan ng bitay ay talagang may kasalanan dahil sa korap na hustisya.

***
Para sa inyong komento o suhestyon: 09237397381 EKSPERTO/Joie O. Sinocruz, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.