ANG National Water Resources Board (NWRB) ay nagpapatupad ng proyekto para sa Ground Water Management Plan (GWMP) para sa mga siyudad na may mataas na paghihigpit sa tubig o sa mga highly-urbanized water constraint cities, lalong-lalo na ang Cagayan de Oro at ang mga nakapaligid na lugar. Nagsimula ang nasabing proyekto nito lamang nakaraang Mayo, 2014.
Ang layunin ng proyekto ay ang pagbuo ng mga planong pamamahala sa tubig-bukal (groundwater management plan) at kinokosidera ang bigat o epekto ng pagbabago ng klima (climate change) na makapagbibigay ng balangkas ng trabaho gayundin ng suporta at desisyon ukol sa paggagamitan ng pamamaraang base sa siyensa at pagdisenyo sa mga tubig-bukal na balon (science based methodology at disenyo ng ground water monitoring wells).
Ang unang Stakeholder’s Consultation ay magaganap sa araw na Huwebes (Agosto 14, 2014), sa Tourism Hall ng Cagayan de Oro City Hall compound, Cagayan de Oro City.
Bago pa ang nasabing konsultasyon, ang mga kawani ng NWRB at kasama ang kanilang kasangguni (consultant) na nagmula sa Geosphere Technologies, Inc, para sa proyekto ay bumisita ang Cagayan de Oro Water District, Manolo Fortich Water District, DENR Regional office, EMB Reg 10, MGB Reg 10 at ang opisina ng Kagalang-galang Mayor Oscar S. Moreno ng CDO.
Ang pag-aaralang lugar (project study area) ng proyekto ay kinapapalooban ng CDO at Manolo Fortich sa Bukidnon. Ito ay matatapos sa Marso 2015.
Ayon kay Dr. Sevillo D. David, Jr., ang Executive Director ng NWRB, “Iniimbitahan namin ang LGUs, DENR Regional Offices, Water Districts at mga pribadong may-ari ng balon (well owners) tulad ng Pueblo de Oro, Carmella, Nestle, Del Monte na dumalo sa aming unang Stakeholder’s Consultation na gaganapin sa CDO City Hall Tourism Hall sa Agosto 14, 2014.” ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong