Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GUNI-GUNI NI BSA 3RD

$
0
0

NOONG bata pa ako, naririnig ko na ang kuwentuhan tungkol sa mga maligno, kapre at tiyanak sa Malacañang at doon daw sila nakatira sa punong balite na buhay hanggang ngayon.

At palibhasa malapit lang ang bahay namin sa Malacañang ay may pagkakataon na nakikita ko si Pangulong Benigno Aquino 3rd (BSA3) na nakasilong sa lilim ng punong iyon.

Nakagugulat na kamakailan ay inamin ni G. Aquino na naririnig daw niya ang boses ng kanyang mga boss?

Sa interbyu ‘yun ng isang telebisyon. Walang korap at walang duda ang pag-amin niya na narinig niya ang mga tinig-panawagan na tumakbo siya muli bilang Pangulo.

Inamin din niya sa panayam, na alam niyang isang anim na taong termino lang ang bawat Pangulo ng bansa.

Maski noong siya ay kongresista at senador, ang “tinig” niya ay tutol sa pag-amyenda ng 1987 Constitution dahil gawa iyon ng mahal niyang nanay.

Mr. President, tiyak ka ba na “boses ng iyong mga boss” ang iyong narinig kaya nagbago ang iyong tindig?

Hindi kaya guni-guni mo lang iyan dahil nasa ilalim ka ng punong balite riyan sa Malacañang? Baka “boses” ng mga tiyanak iyon, Mr. President?

Kailan lang ay mga estudyante sa iba’t ibang eskuwelahan ang inatake ng takot, may mga hinimatay at ang iba ay sigaw nang sigaw na animo’y mga baliw at mayroon din umanong naging kakaiba ang lakas na hindi mapigilan ng mga maskuladong lalaki.

Sabi ng mga espesyalistang doktor, isang PSYCHOTIC ATTACK na katulad ng isang guni-guni ang nangyari sa mga estudyante na dala umano ng sobrang puyat o gutom na nagbubunga ng hallucination!

Alam natin na sobra ang pagmamahal ni G. Aquino sa kanyang ama, lalo na sa nanay niya na dati ring Presidente. Kaya nga lahat ng Pangulo noon na nagbalak na amyendahan ang 1987 Cory Constitution ay kinontra niya.

Sa totoo lang, kinopya halos ni BSA3 ang estilo ng nanay niya sa pamumuno, pati na ang matitinding kalamidad katulad ng bagyo, baha at lindol. Isama pa riyan ang pamosong “brownouts” sa buong bansa.

Pero ngayon, dahil sa mga “boses na narinig” umano niya, kakaiba na ang kilos ng Pangulo.

Handa na siyang ibasura ang Konstitusyon na binuo ng nanay niya. Hala ka!
Baka multuhin ka ng nanay mo, Noynoy?

Joking aside, you better think ten times, Mr. President. Guni-guni mo lang ang mga “boses ng iyong boss.”

Lumayo ka kasi sa punong balite riyan sa Malacañang o mas mabuting lumayo ka nang tuluyan diyan sa Malakanyang dahil baka matuluyan ka.

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestyon at komento, mag-text lang po sa 09087230036 o 09156588600 LILY’S FILES/Lily Reyes


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>