Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAMATAYAN DAHIL SA UTANG

$
0
0

HINDI lang sa Pangasinan posibleng mangyari ang pagwawala ng isang pulis na nagpapautang ng pera kung saan apat katao ang nasawi at ilan pa ang sugatan.
Maaaring maganap din ito sa loob ng headquarters at police stations.

Bakit? Kasi maraming pulis, kabilang ang finance officer, na nagpapautang sa kapwa pulis ng pera subalit may tubo. Hindi masama ang ginagawa ng mga nagpapautang na ito dahil dagdag-kita ito sa kanila upang matugunan ang kanilang gastos sa pang-araw-araw.

At tulong naman sa mga nangangailangang pulis lalo na ang may pinag-aaral sa kolehiyo at may dalawang pamilya o higit pa.

Kasi naman, kung tutuusin, pulis ang may pinakamabigat na trabaho at talagang nasa bingit ng kamatayan ang kanilang buhay sa araw-araw na pagtupad sa tungkulin. Kaya dapat, sapat ang kanilang suweldo para sa kanilang mga pangangailangan.

Kaya nga maraming pulis ang nangungutang at isinasanla ang kanilang ATM dahil kulang na kulang ang kanilang suweldo at may pagkakataon na nag-aabono upang makabuo ng trabaho habang ang hepe nila ay nagkukuyakoy sa kanyang malamig na tanggapan. Minsan sa malamig na lugar na walang kusina.

Kapag may paghahatian naman, hepe ang nangunguna at may pinakamalaking kita. Sana, matugunan ng pamahalaan ang kakulangan sa suweldo ng mga pulis at iba pang nagtatrabaho para sa Philippine National Police.

Huling tumaas ang suweldo ng mga pulis at maging ng mga sundalo noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa panahon ni Pangulong Benigno Aquino III, nganga ang mga tauhan ng gobyerno. Tuloy-tuloy ang hirap na dinaranas, habang ang mga kaalyado ng Pangulo ay nagkakamal ng malaking halaga mula sa mga kontratang kanilang pinapasok.

Bakit nga ba may mga pulis na nasa 15-30 pa rin? Kasi, kapag may sideline sila, mas malaki ang kita nila kaya para may proteksyon at manatiling nasa serbisyo, hinahatian na lang nila ng kanilang suweldo ang kanilang hepe o amo.

Pero ang mga dedikadong pulis sa serbisyo ay baon sa utang at halos hindi na mahawakan ang kanilang ATM dahil parating nasa sanglaan. Umaasa na lang ang karamihan sa kitang kanilang masasagasaan sa araw ng paghahanap ng magandang asunto o kaya naman ay sa tulong ng lokal na pamahalaan tulad ng allowance.

At para sa kaalaman ng pamahalaan, hindi na iisang pulis ang nasawi dahil sa sideline na pautang sa kapwa pulis o kaya naman ay sa magtitinda sa mga palengke.
Mas lalong hindi lang iisang pulis ang nasawi dahil sa utang, pera man o gamit.

Itaas dapat ng pamahalaan ang estado ng kabuhayan ng mga pulis at guro dahil ang mga ito ang may pinakamahirap na trabaho sapagkat inuubos nila ang oras nila sa pagpoprotekta sa kapwa at pagbibigay-kaalaman sa mga kabataan.

Kapag tumaas ang suweldo ng mga ito at naaayon sa kanilang pamumuhay, tiyak na hindi na mangungutang ang pulis at guro o kaya naman ay magpapautang upang makadagdag-kita na pansuporta sa kanilang pamilya. Maiiwasan ang pangyayaring naganap sa Pangasinan kung saan itong si PO3 Domino Alipio ay nagwala at namaril nang walang habas matapos hindi makakolekta ng perang pautang. PAKUROT/Lea Botones


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>