Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

QCPD’S BAD EGGS

$
0
0

KUNG sa nakaraang mga araw ay pinupuri dahil sa sunod-sunod na malalaking accomplishment, ngayon ay pangungutya ang natatanggap ng Quezon City Police District (QCPD) sa taumbayan.

Ito’y dahil sa nabuking na involvement ng grupo ng mga pulis mula sa La Loma police station sa ‘pangingidnap’ kamakailan sa Mandaluyong na actual na nakunan ng isang concerned netizen.

Ang litrato sa panghaharang sa dalawang biktima ng mga nasabing pulis-QC ay inapload ng ‘di kilalang kumuha ng litrato at naging viral sa internet.

At dahil din sa litrato ay nagkaroon ng panimula ang mga imbestigador ang Mandaluyong police at Southern Police District (SPD) para makilala at matunton ang mga gumawa ng krimen.

At ang resulta ng police operation – mga pulis pala ng QCPD na nakatalaga sa La Loma police station ang may kagagawan na ang namuno ay dalawang opisyal pa sa katauhan nina C/Insp. Joseph de Vera at S/Insp. Oliver Villanueva.

Bad for QCPD dahil pagkatapos purihin dahil sa pagkakabuwag ng dalawang drug ring at paglutas sa Pastor at Medrano murders, ngayon ay galit ang nararamdaman ng madla sa mga pulis-QC.

Ang ating simpatiya kay C/Supt. Richard Albano dahil bilang hepe ng QCPD, ang bunton ng sisi ay sa kanya ipinupukol.

Nang dahil lang sa kabugukan ng mga La Loma pulis na mga iyan, ang buong QCPD, pakiwari natin ay na-yolanda.

DAING VS YOHANCE BUS

Huwag tangkilikin ang Yohance bus, ‘yan ang nakatatakot na babala ni Laiza Sacdalan ng area 1, Navotas City sa mga mananakay.

Si Sacdalan ay isa sa maraming pasahero na naospital kamakailan dahil sa pagbabarumbado ng isang driver ng naturang bus firm.

Galing ng Navotas, nagkaumpog-umpog ang mga pasahero, isa sa kanila si Sacdalan, nang biglang lumiko ang sobrang bilis na bus sa B. Serrano, Caloocan.

Dahil dito, naumpog at bumalandra ang mga pasahero sa mga silyang bakal at tagiliran ng bus, ayon kay Sacdalan.

Pati raw pagbabayad sa mga nagastos sa ospital ng mga pasahero ay tawaran pa ang nangyari, ayon pa kay Sacdalan.

Delikado pala ang sumakay sa Yohance bus. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>