Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAKISTAN AT INDIA NA-ONDOY RIN

$
0
0

TATLONG araw na nagsiyam-siyam ang ulan sa pagitan ng mga bansang India at Pakistan kamakailan lang at mayroon nang kumpirmadong patay na nasa 450 katao.

Halos magkasindami ang namatay sa India at Pakistan.

Kung ano ang larawan ng Metro Manila, lalo na ang Marikina at Cainta noong dumating si Ondoy, ganoon din ang sa dalawang bansa.

Nasa ibabaw ng mga bubong ng bahay na bungalow o dalawang palapag ang mga mamamayan.

Nagiging mahirap ang mga gawaing pagliligtas at pagbibigay ng ayuda sa mga biktima.

Ayon sa mga ulat, nagbuhos ang masamang panahon ng 410 millimetro o 16 pulgada kada metro kuwadrado sa loob ng isang araw.

Si Ondoy ay nagbuhos ng 400mm o 15.75 pulgada.

Parehong buwan, Setyembre, ang mga trahedyang ito bagama’t naganap ang Ondoy flashflood noong Setyembre 30, 2009 at pumatay ng halos 400 katao, kasama na ang mga sinarhan ng isang malaking mall sa grocery store nito sa ground floor para lang mapigilan ang pagnanakaw kuno.

Ang pagkakaiba, parekoy, walang dam na nagpakawala ng tubig sa India at Pakistan samantalang tatlo ang gumawa nito noong nagka-Ondoy: ang La Mesa dam, Angat dam at Ipo-Ipo dam.

Ayon sa mga Bumbay at Pakistani, ngayon lang nangyari ang ganoong lakas ng ulan sa loob ng 50 taon.

Heto ang nakaloloko.

King-ina, parehas ang reklamo ng mga Bumbay at Pakistani sa mga reklamo natin sa katulad na pangyayari.

Palpak umano ang mga katulad ng ating PAGASA dahil hindi nakapagbigay ang mga ito ng sapat na babala sa mga mamamayan.

Nagulat at naging biktima pati ang daan-daang libong sundalo ng dalawang bansa na nagbabantay sa kanilang boundary ngunit sila na rin ang kumilos para sa mga search and rescue nila.

Ngayon, parekoy, dapat din tayong maghanda dahil sa hindi imposibleng maulit ang pagdating ni Ondoy na tinularan ng mga bagyo sa nakalipas na tatlong taon sa Mindanao at Kabisayaan.

Hoy, kayo riyan sa PAGASA, huwag kayong tutulog-tulog sa pagbibigay ng mga babala.

At kayong mga kandidato ngayon sa 2016, huwag na huwag namin kayong maringgan ng salitang, “Bahala kayo sa buhay n’yo!”

Tiyak na kakarmahin kayo! BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tagalog Love Facts About Men


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog Breakup Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>