Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LIPUNAN SA REHIMEN NGAYON, NOTORYUS

$
0
0

“ANO ang nangyayari sa ating bayan, Heneral?” Ito ang pamosong tanong noon ni dating vice-president Emmanuel Pelaz matapos matambangan siya at masaktan.

Ngayon, itanong natin ito kay Pangulong Benigno Aquino 3rd, “Ano ang nangyayari sa ating bayan, Mr. President?”

Hindi na biro ang nararanasan na kahirapan ng ating mga kababayan. Mayaman o mahirap. Negosyante o magbobote, lahat, nagrereklamo na.

Mga mamimili’t tindera, umaangal pareho. Ang mamimili, halos hindi na makabili ng pagkain o gamit dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo. Atungal din ang mga tindera dahil halos hindi mabenta ang produkto nila.

Ewan kung nakikita mo nang personal ang mga nangyayari, Mr. Aquino. Huwag kang maniwala sa isinusumite sa iyon ng iyong mga tauhan. Kumbaga sa tao, puro takip make-up lahat.

Hayan tuloy, ‘pag humarap ka sa panayam, very rosy ang economy ang sinasabi mo na puro kasinungalingan!

Notoryus sa paggawa ng krimen ang mga kriminal kaya patuloy ang krimen na nangyayari sa ating lipunan sa iyong mga kamay.

Binobola ka ng iyong tropa, nagpapabola ka naman sa kanila. Resulta, kamangmangan sa katotohanan, kahit sa krimen.

Naniniwala din tayo na kaunti lang ang masasamang pulis. Pero sila ang naghahari sa mayorya ng pambansang pulisya.

Nangyayari iyan kapag tama ang lider PNP katulad ni Chief PNP Alan Purisima na tila walang paki sa mga nangyayari – krimen, kriminal at mismong mga tauhan niya.

Notoryus din ang yaman niya?

Notoryus din kayo sa pamamahala at pangangalaga sa taumbayan. ‘Yun na lang mga biktima ng kalamidad, bagyo’t lindol hanggang ngayon wala pa ring matulugan na mga bahay nila.

Pero sa inyong mga press releases at presscon, halos kumpleto na?

Notoryus lalo ang DSWD sa panloloko at kasinungalingan. ‘Yung mga pagkain at gamit na nabulok, nasira, napanis.

Sabi ni Donkey Soliman, gusto lang daw nilang matiyak na hindi sira ‘yung mga donasyon lalo na ang mga pagkain. Bugok!

Binastos ninyo ang mga foreign donors! Nagmagandang-loob na sila, paghihinalaan ninyo na sira ang ipinadadala nila?

Sa totoo lang, nawala ‘yung mga donasyon dahil pinalitan ninyo ng lokal na kauring produkto. Notoryus talaga kayo sa kabuktutan!

Patapos na ang termino ninyo Mr. Aquino. Bago ka sana umeksit, gumawa ka ng isang magandang proyekto na maaalala ka man lang ng taumbayan.

Hindi ka ba nahihiya sa iyong mga magulang? Notoryus ka kasi sa paninisi, sa paghihiganti at kawalan ng gawaing matino para sa bayan, eh. BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>