Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TERORISTANG ISIL BANTAYAN

$
0
0

PAMBOBOMBA sa mga sentrong lungsod at paligid nito para makamit ang kapangyarihan at pagpapairal ng sobrang karahasan sa mga hindi maninikluhod.

Ito ang nakikitang kabilang sa mga buod ng plano at gawain ng kilusang nasa ilalim ng ISIL o Islamic State of Iraq and the Levant na itinuturing ngayon na teroristang grupo.

Nabuo ang ISIL matapos na kumalas ito sa grupong Al Qaida na itinatag ni Osama Bin Laden at nagdeklara ito ng caliphate o awtoridad o gobyernong Islam sa mga lupaing nasa pagitan ng Iraq at Syria.

Ngayon naman ay kumalas sa Al Qaida ang ilang grupong rebelde sa Pilipinas at nagdeklara ng pagsunod sa ISIS.

Kakambal nito ang pagpapadala sa Iraq at Syria ng mga rebeldeng grupo ng kanilang mga tauhan sa ISIS upang maging bahagi ng puwersa militar nito at magsanay na rin sa pagtatatag ng caliphate sa Pilipinas pagbalik nila.

Kaya naman, ngayon pa lang ay dapat talagang paghandaan nang todo ng pamahalaan ang pagsilang ng caliphate na nauugnay sa ISIL.

Kailangan nang magtatag ang pamahalaan ng malawak na intelihensya at puwersang militar at pulis para pigilin ang mga terorismong magmumula sa ISIL-Pilipinas caliphate.

Ngunit mas maiging magtatag ang pamahalaan ng kalagayang panlipunan na pipigil sa sinomang may hindi magandang iniisip tungo sa istayl ISIL.

Kailangang bakahin ng mga kinauukulan ang kapabayaan o paniniil o kawalan o kakapusan ng katarungan ng pamahalaan sa mga mamamayan na nagsisilbing mga mitsa ng terorismo o rebelyon.

Kailangan ding ipakita ng pamahalaan ang pagiging mabuting ama nito sa mga mamamayan na walang ninanais kundi ang kapakanan at magandang kinabukasan ng mga ito.

Kung magkakaroon ang pamahalaan ng malalang kabiguan sa mga usaping panseguridad at pagpapahalaga sa mga mamamayan, maaaring darating sa atin ang kaguluhang nililikha ng caliphate.

Hindi sapat na kilalanin, paghuhulihin at ibilanggo ang mga Pinoy-ISIL lalo’t maaaring pagsimulan pa ang mga ito ng mas matinding terorismo at rebelyon.

Napatunayan ito sa deka-dekada nang rebelyon sa Mindanao na sa ilang pagkakataon ay nakarating na sa Metro Manila at sa ating mga karagatan, gaya ng LRT bombing at Super Ferry 14 bombing. BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>