AYON kay Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros, Jr., nagtala ang SSS ng P32.59-bilyong total comprehensive income sa unang kalahati ng 2014, doble ng P15.73-bilyong kinita nito sa parehas na panahon noong 2013.
Sa mahigit na 31-milyong miyembro at 257 na mga opisina dito at sa ibang bansa, ang 5,201 na empleyado ng SSS ay palaging maaasahan sa kanilang pagtulong sa mga miyembro, at matiyagang rumiresponde sa iba’t ibang pangangailangan at palaging nagbibigay-daan upang magbigay ng mas malawak na paraan at kaginhawahan sa kanilang mga miyembro sa buong kapuluan.
Sa kabila ng pang-araw-araw na gawain sa buhay, ang SSS ay nagbibigay ng pagkilala sa kanyang mga empleyado na nagpakita ng outstanding, valued-added and results-based performance. Sila’y nanggaling mula sa iba’t ibang bahagi ng organisasyon, subalit, lahat sila ay nag-alay ng kakaibang personal values, professional ethics, and excellent customer service na nagpanatili sa kanila lalo na sa larangan ng serbisyo publiko.
Dumalo ang lahat ng mga “Outstanding Men and Women” sa SSS at nakilala sila dahil sa kanilang mga kakaibang gawa sa serbisyo publiko, at kanilang nabihag ang puso nang kanilang mga kasama at sila’y lumutang at nakilala bilang mga modelo na pinagmumulan ng inspirasyon para sa lahat.
Ang mga nanalong BEST EMPLOYER OF THE YEAR noong Setyembre 12, 2014:
1. Best Customer Service Employee – Lilibeth C. Suralvo
Media Affairs Department (MAD)
2. Best Support Service Employee – Susette T. Estacio
Senior Clerk ng La Union Branch
3. Best Supervisor of the Year – Froilan M. Misa (Bong M)
Internal Audit Service
Maraming miyembro at pensioners ang nakinabang mula sa mga magandang serbisyo ng SSS. Happy 57th Anniversary! ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG