Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANAWAGAN SA DPWH AT KAY GOB. BABY PINEDA

$
0
0

BALASUBAS ang kontratista ng konstraksyon ng Jose Abad Santos Avenue (JASA) na dating Gapan-San Fernando-Olongapo (GSO) road mula Lubao, Pampanga hanggang sa may Dinalupihan, Bataan.

Ito Ang Totoo: maraming bahagi ng naturang highway ang nakatiwangwang na, may biglang-taas o baba pa, dahil laktaw-laktaw ang trabaho na kuwestyunableng patong na nga lang ng aspalto sa semento.

Ano kaya ang bumubulag kay Dept. of Public Works & Highways (DPWH) Regional Director Antonio Molano, Jr. at wala siyang aksyon kaugnay nito?

May mga naaaksidente at marami na ang napipinsalang sasakyan dahil sa biglang kalabog kung hindi biglang paghinto ng nasa harapan dahil nga kung hindi biglang taas ay biglang baba ang mga tinabas na dugtong ng pinatungan lang ng aspalto na semento na palpak na trabaho.

Malamang hindi makaliligtas ito sa atensyon ni Pampanga Governor Lilia “Baby” Pineda pero sana kung aaksyon siya ay ngayon na.

Pakisita naman po ang balasubas na kontratista at mga kasapakat nito sa loob at labas ng gobyerno.

Bagama’t hindi lamang mga taga-Pampanga ang gumagamit ng JASA dahil daanan din ito ng mga paroo’t parito sa Bataan, Subic Freeport at Zambales na galing sa Metro-Manila at iba’t ibang lungsod at lalawigan ng Luzon, ang pamahalaan ng Pampanga ang napupulaan sa kapalpakan ng trabaho.

Saludo naman tayo sa plano na solusyunan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa dalawang bahagi ng JASA sa lungsod ng San Fernando.

Ito Ang Totoo: kamakailan ay nagpulong ang mga lokal na opisyal ng Pampanga, DPWH at negosyante sa lugar kaugnay ng problema.

Sana ay maaksyunan agad ang sitwasyon at mabantayan ang pagpapatupad ng proyekto para hindi matulad sa palpak na trabaho sa kahabaan ng JASA mula Lubao, Pampanga hanggang Dinalupihan, Bataan.

At para sigurado, huwag nang pasalihin sa bidding ang naturang kontratistang palpak at ang nasa likod nitong nagtatago sa kapit sa mga kinauukulan.

Tama na ang perwisyo sa mamamayan na sabi ni Pangulong Benigno Aquino ay Boss niya at pinangungunahan sa tuwid na daan pero marami ay bako-bako naman. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC V. VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>