Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAYOR DUTERTE, TAKOT SA MULTO?

$
0
0

KAKAIBA talaga itong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Si Duterte ‘pag nagsalita sa media ay talagang pinag-uusapan. Lumilikha ng intriga, nagiging isang malaking istorya.

Kilala si “Duterte” sa pagiging “berdugo” ng mga masasamang loob sa Davao City.

Kaya naman takot ang mga kriminal na gumawa ng katarantaduhan sa lungsod. Tiyak na magpapantay ang kanilang mga paa. Kapag nagbanta si Duterte, talagang ginagawa niya.

Pero marami ring kumokondena kay Duterte sa anila’y ginagawa ng alkalde na paglabag umano sa karapatang pantao ng mga kriminal. Ngunit sa pangkalahatan, pinupuri ng nakararami ang pagpapatakbo ni Rody dahil ang Davao City umano ang lugar na pinakaligtas laban sa mga masasamang loob. Ang mga gaya raw ni Duterte ang dapat na maging susunod na Presidente ng bansa… ‘yun bang may “kamay na bakal”, may isang salita, matapang at hindi kurakot.

Sa rami ng pasaway sa Pilipinas, isang Duterte raw ang kailangan upang tumino ang bansa. Kaya ang “Duterte for President Movement” ay nananagawan sa alkalde na tumakbong Presidente sa 2016.

Pero sadyang kakaiba ang alkalde. Aba’y siya na nga itong sinusuportahan para mailuklok na pinakamataas na lider ng bansa, galit na galit pa siya sa grupo.

Sinabi ni Duterte na papatayin niya kung sinoman ang taong nasa likod ng panawagan na maging Presidente siya.

Kahit kailan daw, ayaw niyang maluklok sa Malacañang. Malamig daw sa Palasyo at maraming multo. Takot ba siya sa multo? Ang tinutukoy marahil niya ay ang mga “ghost program” na dumaraan muna sa Malakanyang, nilalagdaan o binabasbasan ng Presidente.

Takot siguro si Duterte na mabahiran ang pangalan. Ayaw niyang mabatikos kapag nasangkot sa katakot-takot na katiwalian…sa Malakanyang.

Tama si Duterte na maraming “multo” ng nakaraan sa Malakanyang. Dalawang naluklok na Pangulo sa Malakanyang ang naipakulong dahil sa kasong pandarambong. Ang kasalukuyang Pangulo ay baka sumunod din sa pagbaba sa puwesto kung hindi niya manok ang susunod na maluluklok. Nagkukunwaring matuwid pero baluktot din pala.

Kaya galit si Duterte sa nagtutulak sa kanya na ipuwesto sa pugad ng mga multo. Takot marahil siya na “makagat” nito at kapag daka’y mahawa siya’t maging multo na rin.

Sabi ni Duterte, mabuting mamatay na muna siya bago maging Presidente at makasama ang mga multo sa Malakanyang.

Bakit ba hindi niya kagaya mag-isip si Pangulong Aquino na sobrang kapal ng apog ‘pagkat gusto pang magtagal na makasama, hindi lang ang mga multo, kundi pati sandakmakmak na mga halimaw sa pangungurakot sa gobyerno. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>