Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAYANG-KAYA ‘PAG NAGKAKAISA

$
0
0

SERVICE above self. Ito ang motto ng Rotary Club na dala-dala sa pang-araw-araw na pamumuhay kaya dumarami nang dumarami ang natutulungan ng mga miyembro nito na hindi naman napababalita.

Tahimik lang ang kanilang ginagawang pagtulong sa kapwa subalit sa katotohanan, madalas ay Rotarians ang nauuna sa pagsaklolo sa mga napinsala ng bagyo tulad na lang noong “Yolanda.”

Para sa kaalaman ng nakararami, mga miyembro ng Rotary International ang naunang nagpadala ng tulong sa mga biktima ng nasabing kalamidad at hindi naman ang gobyerno.

Maraming proyekto ang RC na naisasagawa sa tulong na rin ng mga opisyal ng barangay na kanilang nilalapitan upang maging matagumpay ang hangarin na makatulong at makapagserbisyo sa kapwa.

Isang halimbawa ang RC of Malate Prime sa pangunguna ni Best Class President Ellen Fernando Gamotea na todo-todo ang pagseserbisyo sa ilang barangay sa Maynila, lalo na sa Malate.

Nakapagsagawa na ang RCMP ng feeding program, medical at dental mission, gift giving, wheelchair donation at anti-rabbies vaccination sa Maynila habang nag-dental mission at water pump installation, tree planting at wellness and fitness program sa Pangasinan sa nasasakupan ni Congressman Leopoldo Bataoil.

Ang latest project ng PCMP para sa buwang ito ay anti-rabbies na isinagawa noong Linggo sa tulong ng apat na barangay na nagsama-sama para na rin sa kapakinabangan ng kanilang mga residente.

Kaya naman salamat kina Chairman Dennise Racelis, ng Bgy. 737; Alfredo Reyno, Sr., ng Bgy. 741; Donato Isidoro, ng Bgy. 738 at Rey Jacaban, ng Bgy. 736 na pawang sakop ng Zone 80 District V.

Nakiisa sa pagbibigay ng serbisyo ng RCMP ang mag-asawang dating Congressman Joey at Lita Hizon kasama ang kanilang anak na si Councilor Joey “TJ” Hizon.

Salamat din sa pakikiisa at tulong ng Philippine Society for the Prevention of Cruelty to Animals kaya naibigay ang serbisyo para sa mga barangay nina Chairman Racelis, Reyno, Isidoro at Jacaban na pawang aktibo sa pagbibigay serbisyo para sa kanilang mga mamamayan.

Kapag para sa kanilang mga mamamayan, nagkakaisa ang apat na chairman. Kaya naman sa kanilang nasasakupan itatayo ang dental clinic ng mga doktor na nakikiisa sa RCMP upang makapagserbisyo sa mga mahihirap na mamamayan.

Itinuro rin ng PSPCA sa mga may-ari ng mga alagang hayop sa bahay ang pagiging responsible at tamang pangangalaga sa mga ito.

Kaya nga talagang magiging matagumpay ang anomang proyekto kapag nagtulong-tulong at nagsama-sama ang iba’t ibang grupo.

Kaya naman kahit anong sakuna at problema ang dumarating sa Pilipinas ay kinakaya ng mga Filipino dahil sa pagkakakisa at pagdadamayan. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>