Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AROGANTENG PIO NG NIA SA PANGASINAN

$
0
0

bobby-ricohermosoNANGANGAMBA ang mga concerned citizen sa farming village sa Brgy. Mangabol, Bayambang, Pangasinan sa maaaring pagsiklab ng karahasan sa nasabing lugar sa pagitan ng dalawang grupo ng mga magsasaka dahilan lamang sa agawan ng daloy ng tubig-pansaka.

Nakilala na noon pa ang Mangabol dahil sa sunod-sunod na mga patayan kabilang na ang massacre kung saan pitong magsasaka ang walang awang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Base kasi sa ulat ng ating kaibigang reporter doon na si Jess Bautista ay tila hinihintay pa ng ilang mga opisyal, partikular na nang National Irrigation Administration (NIA), na sumiklab muna ang patayan bago sila kumilos.

Ang ugat ng sigalot ay ang isyu ng pag-aagawan ng tubig na diumano’y nanggagaling at pinadadaloy ng NIA na pinamumunuan ng isang Engr. Mencias na may tanggapan sa Brgy. Tumana sa bayan ng Rosales.

Sinasabi kasi ng isang grupo ng magsasaka sa Mangabol na hindi sakop ng tubig mula sa NIA ang pinagkukunan nila ng tubig dahil ang dinadaluyan nito ay sa drainage canal na, kaya hinaharang na nila ito at ginagamit sa kanilang mga pananim.

Subalit ipinagpipilitan naman ng kabilang grupo ng mga magsasaka na sakop ito ng NIA kaya hindi ito dapat hinaharang at dahil doon ay nagkakaroon ngayon ng tensyon at girian sa pagitan nila.

Dahil sa nakaambang karahasan ay minarapat ng ilang mamamahayag at ilang magsasaka na magpunta mismo sa tanggapan ng NIA para linawin ang proseso ng pagpapadaloy ng tubig.

Subalit sa halip na matinong sagot ay panay panlalait ‘di umano ang inabot ng mga magsasaka at mga mamamahayag mula sa isang Vangie Arceo na nagpakilalang public information officer ng tanggapan.

Kung ano-ano pa raw na accreditation ang hiningi ng Arceo na ito na kung makaasta ay parang siya ang may-ari ng NIA.

Mukha yatang dapat munang dumaan muna sa seminar ang Arceo na ito para maintindihan niya ang trabaho niya.

Sa aking personal na karanasan bilang dating PIO at spokesman na rin ng Land Transportation Office (LTO) ay hindi ko naalala na gumawa ako ng gaya ng ginawa niya.

Hindi man lang niya inintindi na kaya nagpunta ang mga tao sa kanya ay para iklaro ang tungkulin ng kanilang opisina at nang sa gayon ay maiwasan ang anomang pagdanak ng dugo.

Mukha yatang hihintayin pa muna nina Arceo na may magpatayan sa Mangabol bago sila kumilos.

Gets mo ba iyan ha Ms. Arceo?!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>