Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAMAMAYAN vs MAMBABATAS

$
0
0

KUNG hindi tayo pinaiikot-ikot lang sa ating bumbunan at kung totoo ang resulta ng survey ng Pulse Asia na 6 sa 10 mamamayan ang ayaw sa term extension ni Pangulong Benigno Aquino III at Charter change o Cha-cha, lalabas na magdu-duelo ang mga mamamayan at ang mga mambabatas, kasama ang mga taga-Malakanyang.

Itanggi man ng mga taga-Malakanyang ang kanilang pagtutulak ng nasabing mga usapin sa Kongreso na pinaghaharian ng mga mambabatas na kaalyado ng Malakanyang, hindi kumbinsido ang mga mamamayan kaya masasabing lumilitaw ngayon ang labanan sa pagitan ng mga mamamayan at dalawang sentro ng kapangyarihan sa pamahalaan.

Nilalabanan nga ng mga ganid sa posisyon ang 14-0 na desisyon ng Supreme Court sa Priority Development Assistance Fund at 13-0 laban sa Disbursement Acceleration Program, ‘yan pa kayang anim lang sa 10 na kontra sa term extension at Cha-cha?

Ang tanong: Sino ang mamamayani?

DALAWANG HAKBANG

May tatlong hakbang tungo sa term extension at Cha-Cha: pagkilos ng Kongreso at Palasyo, pagkilos ng mga mamamayan at pagkilos ng Supreme Court.

Sa unang pagkilos, malamang na susubuking balewalain ng mga mambabatas at taga-Malakanyang ang kagustuhan ng mga mamamayan laban sa term extension at Cha-cha sa pamamagitan ng pagbubuo ng Constituent Assembly.

Sa basbas ng Malakanyang, maaaring buuin ng mga senador at kongresman ang kanilang mga sarili (Constituent Assembly) na pwersa para sa Cha-cha o pagbabago ng Konstitusyon para mabuwag lang ang tadhana ng huli na hanggang isang anim na taon lang ang panunungkulan ng Pangulo ng bansa at gagawing 12 taon o higit pa.

Maaaring sumunod dito ang pagkilos ng mga mamamayan na sumang-ayon o tumutol sa pagbabago.

Maaaring sasabay ang pagkilos ng Supreme Court, kung may magsasampa ng kaso laban sa term extension at Cha-cha at, gaya ng mga mamamayan, maaaring sumang-ayon o tumutol ang mga Hukom.

Muli, mga Bro: sino ang mamamayani?

NO NG SC AT MAMAMAYAN

Halimbawang magwagi ang kontra o no term extension at Cha-cha, ano ang gagawin ng mga mambabatas at Malakanyang?

Maaari bang isunod o isabay ng mga ito sa Cha-cha ang pagbabago na rin sa tadhana ng Konstitusyon na iraos ang halalan para sa posisyong Pangulo at Pangalawang Pangulo tuwing anim na taon at ipagpaliban ito sa hindi tiyak na panahon?

O kaya, maaari ba nilang isulong bilang pagbabago na rin ng sistemang presidential sa sistemang parliamentaryo upang wala nang halalan sa 2016 at magpatuloy na lang sa panunungkulan ang mga nakaupo ngayon?

Aba, pwede nilang gawin ang lahat ng ito.

At kung may halalan man sa sistemang parliamentaryo, mani-mani lang ang lahat sa mga ganid sa posisyon dahil napakatakaw sa suhol ang mga kongresman at senador na bubuo rin ng parliamento.

Ngayon, mga Bro, sasali ba tayo sa gulo o manonood na lang tayo sa mga usaping ito na maaaring ikababagsak o ikauunlad nating lahat?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>