NAGTATAKA hindi lamang ang mga residente ng Bulacan kung bakit nagkaroon ng tatlo (3) pang bank accounts ang LGU ng Bulacan.
Maging ang mga auditor ng COA ay tuliro na rin kung bakit maliban sa “official depository bank” ay may “extra” pang mga bangko na pinaglalagakan ang kapitolyo ni Gov. Willy Alvarado!
Kung ito ay naaayon sa batas, bakit nagtataka ang COA? Bakit hindi alam ng COA? At bakit kinuwestiyon ng COA?
Ayon sa ulat, ang apat na accounts ng Bulacan ay nasa Landbank, DBP, BPI at PNB.
Ang hindi maliwanag, parekoy, ay kung alin sa apat na ito ang binigyang pahintulot ng Sangguniang Panlalawigan sa bisa ng isang resolution bilang “official depository bank” ng lalawigan.
ANO ANG GAMIT?
Ayon sa batas, ang official depository bank ang siyang dinadaluyan ng “Internal Revenue Allotment (IRA) mula sa DBM papunta sa isang LGU.
Suriin natin, parekoy. Kung ang inilabas ng LGU na pera mula sa official depository bank ay may sumobra at ito ay inihalo sa local collections para ideposito sa isa pang bank account, madali pa ba itong suriin ng COA o silipin ng ordinaryong mamamayan?
Kung sobra naman ang inilabas na pera mula sa ikalawang account at ito ay idineposito sa ikatlong account, mahahagip pa ba ito ng mapanuring mata ni parekoy?
At madali bang malaman ng mahal na birheng Santa Clara ng Obando kung gaano na pala karami ang naging “anak” (interes) ng ikatlong bank account?
At kapag inilipat ang mga ito, kasama ang milyones na “principal” tungo sa ikaapat na bank account para roon kulimbatin, madali pa ba itong amuyin? King-ina!
Kung ang hijo-de-puta ko ay mangungulimbat ng pera sa kaha ay ganyan ang aking gagawin.
Na lingid sa kaalaman ng COA ay magpapa-open ako ng tatlo pang account!
Ganyan rin ba, Gov. Willy Alvarado, ang nasa isip ninyo noon nina Treasurer Belinda Bartolome kaya ninyo ito isinagawa?
Para kulimbatin ang yaman ng Bulacan?
Kung hindi, eh, bakit ninyo ginawa?
Huwag na tayong maglokohan! Bwakang-ina!
-o0o-
Masusubok ngayon ang katatagan kontra iligal na sugal nitong bagong hepe ng MPD na si Gen. Nana.
Maipatitigil ba niya ang “racehorse bookies” ni SPO2 Gener “Paknoy” Fresnedi?
Magagalaw kaya ni Gen. Nana ang video karera (vk) machines ng mag-asawang Romy at Gina Gutierrez?
At si Jeff Mia, ang nag-ooperate ng bookies ng karera sa area ng Sampaloc at iba pang lugar sa Maynila? BURDADO/JUN BRIONES

