Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘SHARES’ NG OLONGAPO AT PATI KALULUWA IBINENTA

$
0
0

ito-ang-totoo-coloredIBEBENTA mo ba ang pag-aari mong kumikita ng milyon-milyon bawat taon para lang mag-proyekto ng kung ano-ano?

Ito ang Totoo: halos P20M taon-taon ang kinikita ng “shares” ng Lungsod ng Olongapo sa Subic Water & Sewerage Co.

Tanong ulit: bakit ibinenta ni Mayor Bong Gordon ang 915,580 Subic Water “shares of stock” ng Olongapo sa halagang P250M?

Para raw gamitin sa proyekto ng mga barangay na kung ano-ano, sabi ng kampo ni Gordon. Pero ayon sa kabilang grupo, eleksyon ang paggagamitan ng pondo.

Anoman ang motibo ni Bong Gordon at mga kasapakat niya sa pagbebenta ng Subic Water shares ng Olongapo, malinaw na binaboy nila ang konseho sa pagpapasa ng ordinansa na nagbibigay ng otorisasyon sa bentahan.

Ito ang Totoo: noong October 17, 2012, sinuspinde ni Vice Mayor Rolen Paulino, sa mosyon ni Konsehal Noel Atienza na sinegundahan ni Konsehal James delos   Reyes, ang  deliberasyon sa bentahan.

Ilang oras na kasing naka-recess ang sesyon sa kahihintay sa hindi naman dumating na City Treasurer na pasasagutin sana sa katanungan ng mga konsehal.

Pero nang lumabas ng “Session Hall” sina Paulino, Atienza, Delos Reyes, Kgd. Lugie Lipumano at Kgd. Jong Cortez at wala rin si Council Secretary Elflida Salmon, itinuloy ang sesyon ni Kgd. Rodel Cerezo bilang “presiding officer” at iba pang konsehal na nag-appoint pa ng “temporary council secretary” para lang ipasa ang pagbebenta ng Subic Water shares ng Olongapo.

Talagang desidido sina Gordon na maibenta ang Subic Water shares na pag-aari ng Olongapo kaya kahit proseso ng konseho ay binaboy nila para lang maipasa ang otorisasyon na kaduda-duda.

Ang ganitong walang pakundangang pagbalewala sa patakaran at batas ay manipestasyon ng kawalan ng respeto, hindi lang sa kanilang sarili, kundi maging sa mamamayan ng Olongapo.

Balikan natin ang una nating tanong: IBEBENTA mo ba ang pag-aari mong kumikita ng milyon-milyon bawat taon para lang mag-proyekto ng kung ano-ano?

Tayo po hindi. Ito Ang Totoo!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>