SA pagbagsak sa 24% na approval rating ni DILG Sec. Mar Roxas nitong last Sept. 8-15, survey ng Pulse Asia kung ikukumpara sa approval at trust ratings ni Vice-Pres. Jojo Binay ay nanatili pa rin ang huli na nangunguna.
Ang 66% approval rating ni Binay ay mas mataas pa ng 11 percentage points nito kay Pang. Noynoy Aquino samantalang ang 64% naman na trust rating ni Binay.
Kung si Roxas ang magiging manok ng administrasyon kung ngayon gagawin ang eleksyon, ngayon pa lang ay sinasabi na natin na kakain siya ng alikabok kay Binay.
Kitang-kita naman natin na walang kapana-panalo ang kanilang manok sa 2016 presidential derby, ‘di ba?
Kahit kaliwa’t kanang mga demolition job ang gawin nila kay VP ay patuloy pa rin ang kumpiyansa ng sambayanang Filipino kay Binay.
Kahit pa na ilang linggo pang ulit-ulitin na gawing paninira kay Binay sa Senate Blue Ribbon Sub-Committee sa chair ni Sen. Koko ay wala ring epekto ito.
May balita nga tayo na mukhang paabutin pa raw ng Enero ang hearing sa komite ni Sen. Koko para nga naman na tuloy-tuloy raw ang pagwasak sa kredibilidad ng Pangalawang Pangulo.
Ganunpaman ay hindi tumatalab ang kanilang ginagawa kay Binay kaya naman itong si VP ay naka-focus lang sa kanyang trabaho.
Keep up the goodwork Mr. Vice-President Binay!!!
LOTTENG SA PASIG, MAY BASBAS DAW
Sa Pasig City ay hindi pa rin daw mapatigil nina Mayora Maribel Eusebio at chief of police Supt. Mario Rariza ang operasyon ng lotteng nina Cris at Rose.
Hindi natitinag ang mag-asawang ito dahil wala silang ipinagmamalaki kundi may basbas daw sila nina mayora at hepe.
Totoo ba ito???
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
