Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANO ANG SINASABI NG EDCA SA KRIMEN NG MGA KANO?

$
0
0

ANO ang sinasabi ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ukol sa pagpatay ng isang sundalong Kano sa kababayan nating transgender sa isang hotel sa Olongapo City? Ano rin ang sinasabi ng Visiting Forces Agreement ukol dito?

Nagtatanong tayo, parekoy, sa pagpatay ng isang kagawad ng US Marine kay Jeffrey Laude alias Jenny sa Celzone Hotel sa Bgy. West Tapinac, Olongapo.

Natagpuang namatay sa sakal si Laude makaraan ang isang oras na pag-check in nito at ng Kano kamakalawa ng madaling-araw sa nasabing hotel.

Ayon sa pamahalaan, pinigilan nito ang pag-alis ng mga barko ng Kano na posibleng sinasakyan ng suspek habang iniimbestigahan ang kaso.

Pero may nakaalis na umano sa mga barko papuntang Japan at kung nagkataong nakasakay na roon ang suspek, wala na raw magagawa ang Pilipinas?

Parang nauulit ang kasaysayan ng isang kasong rape sa Olongapo rin.

King-ina, ipinakulong ng Regional Trial Court sa Makati City jail ang akusado na si Lance Cpl. Daniel Smith matapos mapatunayang nagkasala ng rape na naganap sa loob ng Starex van noong gabi ng November 1, 2005 sa Alava Pier sa Subic, Zambales.

Pero dumating ang gabi makaraan ang order ng Makati court noong December 4, 2006, dinukot ang Kano at inilipat sa US embassy at doon nag-antay ng desisyon ng Court of Appeals.

Noong Abril 23, 2009, pinawalang-sala si Smith at noon din ay pinalipad si Smith ng mga Kano palabas ng bansa.

Nawalan ng saysay ang complaint ng rape na may pambababoy kay Suzette Nicolas, na taga-Zamboanga.

Ngayon, parekoy, halimbawa ngang nakalabas na ng bansa ang suspek na isa namang kagawad ng US Marines, maipipilit ba ng gobyerno ng Pilipinas ang hurisdiksyon nito sa suspek?

Mapipilit ba ng gobyerno na pabalikin sa bansa ang hinayupak na Kano upang harapin ang paglilitis sa kanya sa kasong pagpatay?

Kung sasabihin ng EDCA at VFA na Kano na lang ang maglilitis at walang hurisdiksyon ang gobyerno ng Pilipinas, king-ina, ano pa ang silbi ng mga kasunduang ito?

Sana naman, mabigyan ng hustisya ang ating kababayan na si Laude anoman ang dahilan ng pagpatay sa kanya. BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>