BISTADO na ngayon ni Vice-President Jojo Binay kung sino ang “walang utak” este, ang utak sa likod ng mga atake na kanyang kinahaharap ngayon.
Si PNoy pala! Boom panis! Hak, hak, hak!
Kaya naman ito na rin ang tinarget ni Binay sa aniya ay mga katarantaduhan sa kasalukuyang gobyerno.
Kasama na ang iligal na Disbursement Acceleration Program (DAP), ang umano’y pang-aapi kay GMA at ang patuloy na pagkakanlong kay PNP Chief Alan Purisima.
King-ina talaga, parekoy, ‘yang politika, walang permanenteng kaalyado at kaaway!
Tandang-tanda ko pa bago ang araw ng halalan 2010 ay biglang sumulpot ang “NoyBi” (Noynoy-Binay).
Kaya nga nang matalo ni Nognog si Mar Roxas ay isa ang NoyBi sa sinisisi ng supporters ni Mar dahil inilaglag umano ito para mabitbit lang si Binay.
Aba, eh, ilang tulog lamang ang lumipas at si Nognog naman ngayon ang nagpapalahaw dahil nabisto umano nila na kaisa si PNoy sa Oplan Tigil Nognog (OTIN) ni Mar!
Hak, hak, hak! Ang gulo ninyong mga magnanakaw kayo! Hmmp!
Tingnan n’yo ito, parekoy, noon ay Kalihim ni GMA itong si Mar (DTI) kung saan nito inilunsad ang kanyang pagiging Mister Palengke. Samantalang si Binay noon ay ipinasususpendi ni GMA.
Pero ngayon ay sina Mar at Noynoy ang magkakampi laban umano kay Binay. At si Nognog naman ay nagpahayag na kawawa na si GMA dahil sa panggigipit nina PNoy.
Tsk, tsk, tsk, ang higit na magulo, parekoy, ay kung si Binay na kalaban noon ng Marcos ay biglang kumambiyo pagdating ng 2016 elections. At si Bongbong Marcos pa ang maging Vice-President!
Ganyan, parekoy, ‘yang mga hijo de-putang politiko, na para lang mapanatili ang pansariling interes ay sukdulang makipagsiping kay Lucifer!
At sinoman sa kanila ang maluklok ay tayong mga dugyot at timawa pa rin ang magiging kawawa! Letse!
-o0o-
Patuloy ang tinatamasang ligaya ng tinaguriang Laguna “bookies king” na si dating Bay, Laguna Mayor Edwin Ramos na mas lalong kilala sa tawag na ER.
Ayon sa ipinararatang ng napakaraming taga-Laguna, walang humpay umano ang operasyon ng bookies ng STL nitong si ER sa Bay at sa Los Baños dahil super lakas ito kay bagong Laguna Gov. Ramil Hernandez at provincial director na si Supt. Florendo Saligao.
Tangna parekoy, habang nangungunsumisyon ang mga taga-Laguna dahil sa pagkalulong ng kanilang mga pamilya sa iligal na sugal ay wala namang pakialam sina Governor Hernandez at ang PNP Provincial Director Naligaw, este, Saligao.
Sino ang maniniwalang hindi kayo patong? BURDADO/JUN BRIONES
