Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EBOLA AKALA’Y CHOLERA; MGA BANGKAY ITINAPON SA ILOG

$
0
0

AYON sa mga kinauukulan, ‘ebola free’ pa ang mahal kong Pinas. Good news ito, mga Bro.

Pero hindi imposibleng mapasok tayo ng sakit na sobra kung manalasa.
Sapagkat habang sinasarhan natin ang pintuan sa mga Pinoy na gustong pumunta at maghanapbuhay sa mga bansang Liberia, Sierra Leone at Guinea na niyayari ng ebola, open naman ito sa mga nanggagaling mula sa mga bansang ito.

Iba pang usapan ang pagdating dito ng mga dayuhan dahil sa turismo, turismo con sex, negosyo, marriage proposal at iba pa.

Pinararaan lang ang mga ito sa mga scanner na hindi naman 100 porsyentong nakakikilatis sa mga may ebola.

PRIBADONG OSPITAL

Natutuwa tayo, mga Bro, sa pagtugon na rin ng mga pribadong ospital sa ebola.

Ayon kay Rustico Jimenez, pangulo ng Private Hospital Association of the Philippines, Inc., naghahanda na sila ng mga ‘isolation room’, kagamitan at tauhan para sa mga magkaka-ebola.

Pero paliwanag nila, hindi nila kayang harapin ang anomang epidemya o maramihang pagkakasakit sa ebola dahil may ibang mga maysakit ding dapat nilang asikasuhin.

O Health Secretary Iking Ona, paano ito, huh?

PHIL. COLLEGE OF PHYSICIANS

Sinabi naman ni Anthony Leachon, pangulo ng Philippine College of Physicians, handa silang tumulong laban sa ebola at sa katunayan kumikilos na umano sila para makontak ang lahat ng nasa 10,000 doktor na kasapi nila sa buong Pinas.

Gusto nilang magkaroon ang lahat ng mga doktor ng seminar, pagsasanay at iba pang pangangailangan laban sa sakit. Kahit pa ang mga doktor na nasa mga lalawigan ay dapat umanong ihanda laban sa sakit.

Nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa Department of Health na kumikilos na rin, kasama ang ilang taga-World Health Organization, para sa kaukulang paghahanda.

Tanong muli: Health Sec. Ona, paano rin ito, huh?

NAGTATANONG

Nagtatanong tayo, mga Bro, sa DOH dahil gusto nating matiyak na sakaling nakapasok na ang ebola sa Pinas at susulpot kung saan-saan, eh, kahit papaano may magagawa tayo para sa ating kaligtasan, hindi lang sa sakit, kundi sa kamatayan.

Alalahaning sinasabi mismo ng WHO na umaabot sa 70% ang namamatay sa mga may dala ng sakit at hindi lang kalahati nito.

Dito natin naalaala ang maraming kamalian ng mga gobyerno sa nasabing mga bansa, ng WHO at ng nagmamasakit na mga doktor noong una, gaya ng Doctors Without Borders.

AKALA’Y CHOLERA

Sa pag-aaral ng WHO sa ebola sa Liberia, Sierra Leone at Guinea, anak ng tokwa, sinasabing nagkamali ang Doctors Without Borders sa pagsasabing cholera lang sakit.

Enero pa lang ay sumugod na sa mga bansang ito ang mga boluntaryong doktor na ito para tulungan ang mga pamahalaan at mamamayan na lumaban sa “cholera.”

Pero habang lumilipas ang mga araw, linggo at buwan, hindi nila napigilan ang pananalasa ng “cholera.” Dito na nila nadiskubre na hindi pala cholera kundi ebola ang sakit.

Dito na nagkarambola ang mga doktor at nagsimula na silang nagbabala noong Abril pa na “out of control” o hindi na mapigilan ang maramihang pagkakasakit at kamatayan.

Sila na mismo ay namamatayan at mga mamamayang kasa-kasama nila sa pakikipaglaban sa sakit.

Sa ilang pagkakataon na pumupunta sila sa mga barangay para mag-spray laban sa sakit, akalain ba nilang sinusugod at inaatake sila ng mga itak, dos por dos at baril sa paniniwalang nagdadala ang mga ito ng lasong nakamamatay sa mga tao.

BAHALA SILA SA BUHAY NILA

Noong una rin, ayon pa rin sa pag-aaral, may mga politiko sa mga nabanggit na bansa na natuwa sa pagkakaroon ng ebola. Lalo na kung ang mga tinatamaan ng maramihang kamatayan ay hindi nila bailiwick at kalaban nila sa halalan.

“Bahala sila sa buhay nila, magkandamatay-matay sila!” reaksyon ng mga tarantadong politiko.

Pero nang madale na rin maging ang kanilang mga botante at barangay lider nila, dito na sila nataranta.

Hindi nila dapat pinulitika ang ebola.

WHO NAGPABAYA

Lumalabas ding nagpabaya ang WHO.

Noong una, kumilos naman ang WHO sa pamagitan ng pagpapadala ng mangilan-ngilan nilang mga tauhan sa nasabing mga bansa. Mangilan-ngilan dahil kapos umano sila sa badyet at tauhan.

Minsan namang nagkaroon sila ng badyet na nasa $500,000 pero hindi basta nagamit ang mga ito dahil sa “red tape” o kakuparan sa pagkilos nila. May pumigil pa nga sa paglalabas ng salaping WHO sa pag-aakalang maliit lamang na bagay ang ebola.

Pero nang maglulundag na ang dami ng mga nagkakasakit at namamatay, saka lang nataranta rin ang WHO at nanawagan ng tulong.

ITINATAPON SA ILOG

Nang tuloy-tuloy nang manalasa ang ebola at marami na ang namamatay, basta itinatapon na lang ang mga patay sa mga ilog para maanod ang mga ito. Kasabay nito, mga Bro, ang pag-iwan na nila kahit saan, kahit sa mga kalsada ng mga patay.

Paglilibing ng mga patay ng kanilang sarili nagkatotoo. At pag-abandona na rin nila sa libo-libong ulila: bata, matanda, babae, balo, maysakit at iba pa.

Anak ng tokwa, naalala tuloy natin ang nangyayari ukol sa korapsyon at pandarambong sa Pinas. Wala nang ginawa ang mga korap at mandarambong na ito kundi mag-away-away at magde-mandahan para lang sila manalo sa halalang 2016.

Wala tayong naririnig mula sa mga ito kung ano-ano na ang kanilang paghahanda laban sa ebola.

Tamaan sana kayo ng ebola at ipaanod namin kayo sa mga ilog o iwan sa mga kalsada para sagasaan ng mga de padyak, traysikel at dyipni.

Mga anak ng ebola kayo, GRRRRRR!

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>