PABOR tayo, parekoy, sa RP-US Visiting Forces ngunit hindi sa buong nakasaad sa Agreement!
‘Yan ang ating panindigan noon pa man, na mahalaga ang pakikipagkaibigan sa Amerika o kahit sinong kapitbahay natin.
Op-kurs, natural rin na bisitahin tayo ng ating mga kaibigan. Dahil naniniwala tayo, parekoy, na walang tao o bansa na maaaring mabuhay sa kanyang sarili lamang!
Hindi ba’t napatunayan na natin ‘yan noong bumuhos ang suporta ng buong mundo sa problemang idinulot sa atin ni “Yolanda?”
‘Yun nga lang dinikwat o sinayang lang ng pamahalaan ang nasabing mga ayuda!
Peste!
Balikan natin, parekoy, ‘yang lintek na “Agreement” na siyang “kodigo” ng Visiting Forces dito sa ating bansa.
Bakit nga ba pinayagang maipaloob sa VFA ang lintek na probisyong nagsasaad na kung ang bisitang sundalong Kano ay gumawa o makagawa ng krimen dito sa ating bansa ay kinakailangang nasa kustodiya ito ng Amerika o kanilang embassy?
King-ina, lugi tayo riyan, parekoy, dahil ang kanilang mga sundalo lang naman ang pumupunta rito!
In-short, sila lang ang may tyansa na mambalasubas, manggahasa, pumatay at/o babuyin ang ating mga kababayan!
Katunayan, hindi itong kaso ni US Marines Joseph Scott Pemberton ang unang pambababoy sa atin simula nang ipinatupad ang deputang VFA na ‘yan.
Hindi ba’t ginahasa rin noon ng sundalong Kano na si Daniel Smith ang ating kababayang si Nicole?
Ibig kong sabihin, parekoy, ang pagbibisita ay isang magandang bagay kung ito ay nakatutulong sa pagpapanatili ng isang tapat na pakikipagkaibigan.
Pero kung ang pagdalaw ay nagreresulta lang sa panggagahasa, pagpatay o pambababoy sa dinadalaw, aba eh, dapat lang na palayasin na ang mga hijo de-putang bwisita!
Dapat nga rito, parekoy, sa ating mga senador, sa halip na puro pamumulitika ang ginagawa ay dapat na nilang repasuhin ‘yang VFA.
At kung hindi man nila nais palayasin ang mga Kano, aba’y papuntahin rin sa kanila ang mga ungas nating pulis! Ehek!
-o0o-
Hindi pa rin natitinag ang operasyon ng tinaguriang Laguna “bookies king” na si dating Bay, Laguna Mayor Edwin Ramos na mas lalong kilala sa tawag na ER.
Ayon sa sumbong, walang humpay umano ang operasyon ng bookies ng STL nitong si ER sa Bay at sa Los Baños dahil super-lakas ito kay bagong Laguna Gov. Ramil Hernandez at provincial director na si Supt. Florendo Saligao.
Wala tayong magagawa, parekoy, dahil mukhang parehong nag-iipon ang dalawang ito! Hak, hak, hak!
Pwe! Ibasura na lang si Gob sa election 2016! Hmmp! BURDADO/JUN BRIONES

