DAHIL sa patuloy na pangungunsinte ng Mines ang Geosciences Bureau (MGB-DENR) sa iligal na operasyon ng isang minahan ng ginto sa lalawigan ng Masbate kaya muli na naming naragdagan ang buhay na ibinuwis dahil sa pagkakuryente sa loob ng tunnel.
Maliban sa ilang tao na namatay na noon sa pagkakuryente sa minahan ng isang Chinese, muli itong nadagdagan ng dalawa katao kamakailan lamang dahil sa walang maayos na pasilidad ng kuryente sa nasabing minahan.
‘Yan, parekoy, ang sumbong na ipinaabot sa atin ng mga kamag-anak ng mga biktimang nagtatrabaho sa minahan ni Willy Ang na matatagpuan sa “level-700” area-450, Purok Bagong Sirang, Bgy. Panique, Aroroy, Masbate.
Ang masakit, ayon sa sumbong, ay barya lang ang iniabot nitong lintek na Chinese sa pamilya ng mga biktima, habang milyong piso naman ang kanyang kinukulimbat araw-araw mula sa ginto ng Aroroy. ‘Yan, parekoy, ay maliban sa wala sa batas na pagpapasahod ni Ang sa kanyang mga trabahador sa minahan.
King-ina, MGB Dir. Jazareno, ano ba itong si Ang, useful o harmful Tsino? Ha? Aba’y dapat nang ratratin ng MGD itong si Ang dahil maliwanag na kikitil pa ang lintek ng maraming buhay ng Masbatenyo kung hahayaan ang kanyang iligal na gawain!
Tandaan mo ito, Willy Ang, tiyakin mo lang na wala kang mga batas na nilalabag riyan sa Aroroy dahil walang humpay na susundutin ko ang puwit ng mga taga-MGB-DENR, Department of Labor at Bureau Of Immigration.
Langya, parekoy, isang dayuhang Chinese na hindi na nga sumusunod sa mga batas ng pagmimina ay lumalabag pa sa batas ng paggawa!
Ang masakit, parekoy, kung wala pang papel ang Chinese na ito para makabili, magpundar ng minahan at magnegosyo rito sa ating bansa! Lagot kang Tsino ka!
Hak, hak, hak!
-o0o-
Patuloy, parekoy, ang walang puknat na “racehorse bookies” sa Maynila ng isang SP02 “Paknoy.”
Patuloy rin maging ang video-karera (VK) machines ng mag-asawang Romy at Gina Guttierez na naglipana pa rin sa Maynila?
Inaasahan nating magpapakitang-gilas ang bagong pamunuan ng pulisya sa Maynila.
Kilos, Col. Nana! BURDADO/JUN BRIONES
