Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ITAMA AGAD ANG INYONG SSS RECORDS

$
0
0

ANG mga miyembro na nagtatrabaho sa ilalim ng publiko at pribadong mga tanggapan ay nararapat na maging maagap sa pagtatama ng kanilang E1 personal records, tulad halimbawa ng kanilang buong pangalan, araw ng kapanganakan, pangalan ng kanilang magulang, asawa at anak.

Tingnan kaagad kung ang pangalan na nakarehistro sa Social Secrity System (SSS) ay siya ring pangalan na nakalagay sa birth certificate at wedding contract.

“I-tsek ang first name, middle name at apelyido, lalong-lalo na ang spelling nang mga nabanggit na pangalan.”

Kung may makitang pagkakamali sa mga nabanggit, agad-agad na magpunta sa alinmang sangay ng SSS na malapit sa inyo at mag-fill-up ng E4 form at ipakita ang birth certificate o wedding contract, upang maiwasto ang lahat nang dapat na maiwasto.

Ang ibang miyembro kung kailan nagretiro na sila, ay doon pa lang nila nalalaman na ang kanilang pangalan at araw ng kapanganakan sa SSS (E1) personal data record ay hindi tugma sa kanilang birth certificate, kaya hindi nila agad makuha ang kanilang pensyon. Kailangan nila ayusin at itama ang naisulat nila sa E1 bago sila magretiro, sapagkat, ang birth certificate ang magpapatunay na siya nga ay miyembro sa SSS.

Ang isa pang pinakamalaking suliranin ay kung patay na ang miyembro at sa kasamaang-palad ay may pagkakamali ang mga nakasulat sa rehistro ng SSS at sa birth certificate ng miyembro na namatay na.

Malaking suliranin ito sa mga naiwang tagapagmana sa pensyon. Kaya dapat na isa-isip ng mga miyembro na habang maaga pa at kasalukuyan pa lang ang paghuhulog ninyo at medyo matagal pa kayong magreretiro sa lalong madaling panahon ay itama na ninyo ang mga records ninyo sa SSS, nang sa gayon makuha agad ninyo ang inyong pensyon. Mas maagang pag-asikaso sa mga bagay-bagay mas mainam. ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>