Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TUTA, TUTA, TUTA NG KANO

$
0
0

ISLOGAN, propaganda, hiyaw karaniwan ng mga aktibista, noon at ngayon – tuta, tuta, tuta ng Kano! Pagtukoy ito sa mga namuno at namumuno sa bansa. Kung kailan mababago at mawawala ang taguri, tanging pangarap na lang kaya?

Ang huling nangyari sa Olongapo City kamakailan, yaong pagpatay kay Jeffrey “Jennifer” Laude ng isang US Marine na kinilalang si PFC Joseph Scott Pemberton ay muling nagtaas ng antas politikal sa ilang sector ng mga kababayan natin. Mula sa pamilya ni “Jennifer” tungo sa mga militante, mga mambabatas ng Senado at mga pribadong abogado ng mga sangkot.

Itinulak ng pagkakataon na lumutang si Senador Miriam Defensor-Santiago para balik-aralin o ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA). Kumulo ang panawagan ng mga militante na lusawin din ang EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Syempre pa, nariyan ang mga makabayang sektor at abogado na “tagapagtanggol ng mga “naapi” o “inapi”. At ang mga lider ng gobyerno natin? Kamot-ulo lang sila sa pagtatakip sa kaso pero posturang may ginagawang solusyon para rito.

Tanong, maipakukulong ba ng Pilipinas ang sundalong Kano na pumatay kay Jennifer?

Hindi! Tiyak iyan! Sa orihinal na kasunduan ng RP-US Mutual Defense Treaty (MDT) ay hindi na parehas. Kapag sundalong Filipino ang nakagawa ng kasalanan, kulong pero kapag sundalong Kano, laya, wala lang. Natandaan ninyo si Daniel Smith na nanggahasa noon?

Sa military joint exercises, mas Kano ang nakikinabang kaysa Filipino. Tulo laway lang ang militar natin sa makabago at malalakas na armas nila. Sila ay nahasa sa ating Jungle Warfare expertise! Tayo, nganga!

Habang nagpapakatuta at walang bayag ang mga lider natin, mananatili ang pang-aabuso sa atin ng Amerika. Hindi tayo galit sa mamamayang Amerikano kundi sa lider nila na walang inisip kundi gulangan tayo sa mga patakaran at praktika.

Ang mga senador natin, tuta rin ng Kano karamihan. Sa totoo lang, lahat sila ay “lihim” na American citizens na. May mga ari-arian at bahay sila roon at may pera pang nakadeposito sa banko. Sure ‘yan!

Sa kamay ni Pangulong Benigno Aquino III, binuo ang EDCA na walang kwenta katulad ng VFA noon pa. Hindi kailangan ang mga iyan dahil mayroon na tayong MDT.

Kung bakit ipinasa ng Kongreso ay hindi nakapagtataka. Kailangan magsumipsip sila sa Amerika para anomang oras, makatakas at mamuhay sila roon para ligtas sa kasalanan nila sa bayan at mamamayan.

Habambuhay, magpapakatuta sila sa Kano, IMPERYALISTA! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>