Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KOLEKTOR NG CIDG-WACCO GARAPAL NA GARAPAL

$
0
0

GANITO na ba talaga kagarapal ang mga tong kolektor ngayon ng CIDG-WACCO?

Sa nakarating na sumbong sa Lily’s Files, sinasabing ang kolektor daw ng CIDG-WACCO na kinilalang si alyas “Jun Pulo” ay garapalan na kung mangolekta sa mga establishment sa Quezon City, lalo na ang mga maliliit o sabihin na nating ‘yung kayang-kayanin lang nila tulad ng mga club sa Novaliches, Visayas Avenue at Frisco.

Sa sumbong ng mga club owner, napag-alamang ito raw si alyas Jun Pulo ay mahilig magpahuli ng mga club gayong kumukuha naman daw ito ng lingguhang collection gamit ang CIDG-WACCO.

Sa impormasyong natanggap ng Lily’s Files ay napag-alamang ang collection daw ng CIDG-WACCO ay nabili ng isang club owner na nakabase sa Quezon City at isa sa kinuha nitong kolektor itong si alyas Jun Pulo.

Ayon sa mga club owner, wala naman daw problema sa collection dahil nagbibigay naman sila. Ang problema ay si alyas Jun Pulo dahil kapag may gusto siyang ipahuli ay ipapahuli niya kahit kumukuha siya rito ng lingguhang collection.

Tama ba ‘yan? Ibinibigay na sa iyo ang gusto mong presyo, huwag mo na namang ipahuli pa. Kawawa naman ang establishment, namumuhunan din ng malaki ang mga ‘yan.

Mabuti ka nga at kumikita ka ng malaki nang walang puhunan kundi ang laway mo lang.

Kung katulad naman nitong si alyas Jun Pulo ang magiging kolektor, naku, huwag tayong magtaka kung bigla na lang magsara ang mga club, spa, videoke at kung ano-ano pang bar.

Sa impormasyon pa rin sa Lily’s Files, umiikot daw sa Metro Manila si Jun Pulo dahil, bukod sa pagiging kolektor ng CIDG-WACCO, ito rin daw ang napipisil na maging kolektor din ng National Bureau of Investigation o NBI.

Aba, eh, bigtime pala itong si alyas Jun Pulo. Biruin mo namang, pinag-aagawan siya para maging kolektor ng dalawang higanteng ahensya, ang CIDG- WACCO at ang NBI.

Ang bigat pala nitong taong ito. Magkano kaya ang kinikita nitong tarantadong ito linggo-linggo at idinideklara ba talaga nito kung magkano ang kanyang nakokolekta?

Nakapagtataka lang dito sa mga establishment na  tulad ng mga night club, spa, videoke at kung ano pang mga bar kung bakit hindi kayo magreklamo roon sa mga unit na kanyang mga ipinangongolekta.

O kaya naman magtayo kayo ng isang asosasyon na pwedeng bumangga sa mga ganyang kolektor. Pwede naman sigurong buhayin ang matagal nang natutulog ninyong asosasyon, ang ACKDO. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>