Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG SABI NGA NI TRILLANES

$
0
0

DAPAT [din] imbestigahan ng Senado ang pangulo ng Senado na si Senador Franklin Drilon gaya ng ginagawa ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee kay Bise-Presidente Jejomar Binay.

Ito ang punto ni Senador Chiz Escudero matapos sampahan ng reklamong pandarambong si Drilon dahil sa sobra-sobrang pondo na inilaan nito sa Iloilo International Convention Center.

Parang gusto kong matawa pero gusto ko rin magalit. Inuunggoy na naman ang taumbayan sa panawagan na ito dahil alam naman natin na itong si Drilon ay kasabwat ng administrasyong Aquino.

Ipinunto ni Senador Sonny Trillanes kay Mr. Tiu kamakailan na “’wag kang magpa-cute, hindi ka cute”. Pero cute si Escudero kung tatanungin natin ang kanyang ina kaya huwag ka nang magpa-cute kasi cute ka na, e.

Mantakin naman ninyo, taumbayan! Pangulo ng Senado ang nais gisahin sa Senado ng mga Senador na karamihan sa kanila ay kasabwat ni Drilon na kasabwat din ni PNoy. Saan ka pa.. ikaw na?!

###

Sa kabilang banda ay posibleng totoo ang mithiin ni Escudero na gisahin itong si Drilon dahil kasabwat naman itong si Escudero sa tambalang ‘BINOY’ noong 2010 Elections.

Kaya nga hanggang ngayon ay nananatiling multo sa bakuran ni PNoy ang Balay Group o minsan ay tinatawag itong Mar Roxas group at Samar group naman nina Escudero at si ‘Big Brother’ ng Malakanyang.

Utang ng loob ni PNoy sa Balay Group, utang ng loob ni PNoy sa Samar Group.

Sumasang-ayon sa bulong ng grupo ni Roxas, gayun din naman sa bulong ni ‘Big Brother’.

Kanya-kanyang utang ng loob sa tribu ni PNoy. Utang nila sa isa’t isa, utang nila lahat. Ang problema lang, ‘yung utang nilang lahat aba’y taumbayan ang apektado.

Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>