Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ONA, UNAHING SIBAKIN; DRILON LITSUNIN

$
0
0

KUNG totoo na maraming binababoy si Health Secretary Enrique Ona na transaksyon sa Department of Health, dapat na siyang tuluyang sibakin at hindi na pabalikin pa sa puwesto.

Dapat na ring kumilos agad ang mga kinauukulan upang alamin ang mga nagbabaga o umaapoy na transaksyong pinagmumulan ng usok ng korapsyon o pang-aabuso sa tungkulin sa DOH.

P3M PA-KOTSE

Ayon sa ulat, kung totoo, gustong magbuhay-mayaman itong si Secretary Ona sa kahilingan umano nitong magkaroon ng service vehicle na Toyota Land Cruiser, bukod sa Toyota Hilux na milyon din ang halaga.

Anak ng tokwa, inu-Ona muna ni sekretari ang sarili niyang komportableng pamumuhay kaysa ang kapakanan ng kanyang empleyado na panay ang rali para lang tumaas nang kahit kaunti ang kanilang sahod at magkaroon ng karampatang benepisyo para hindi sila mabuhay sa gutom.

Sila pa naman ang mga ipinambabala sa mga kalamidad sa kalusugan.

Iba pang usapan ang halos bangkarote sa sari-saring gamot ang DoH para sa mga nagkakasakit na mamamayan kaya napababayaan lalo na ang mga mahihirap hanggang sa tuluyan na lang na magkasakit ang mga ito patungo sa mga sementeryo.

Pinau-Ona ni sekretari ang kanyang magarang karwahe sa kabayo. Ehek!

KORAPSYON SA BAKUNA

Hindi malinaw ang mga transaksyon ukol sari-saring bakuna na binibili ng DoH.

Kontra-tuberculosis, kontra-impeksyon sa mga sanggol at ina, kontra-polio, kontra-dengue at malaria, kontra-tigdas at kung ano-ano pang kontrabida sa kalusugan ng mga mamamayan?

Pero balot umano ng katiwalian ang pagbili ng mga ito, lalo na ang bakuna para sa mga sanggol. Gaano kalaki ang kinakabig ng mga korap sa DoH sa mga kontrata sa bilihan, huh?

SA PAGAWAING BAYAN DIN

May ulat ding binabalot ng katiwalian ang pagtatayo ng mga gusali at iba pang imprastraktura ng DoH.

Halimbawa ang P1-bilyong itatayong bagong Jose Fabella Memorial Medical Center sa loob ng San Lazaro Hospital o pag-repair dito na kasalukuyang nakatayo sa Sta. Cruz – Quiapo area, Manila.

Iba pa ang makabagong regional hospital sa Luzon na ginastusan din ng pamahalaan ng malaking halaga.

P500M – P600 SA RITM

Nakalilito rin ang halaga ng panukalang pagpapagawa sa Research Institute of Tropical Medicine sa Muntinlupa.

Ulat ng opisina ni Ona sa media, nasa P500-milyon pero sa sulat na natanggap ng Malakanyang, nasa P600-milyon.

Bagama’t emergency ang batayan dito gaya ng inaasahang pakikibaka ng DoH sa sakit na ebola, nawindang si Pangulong Aquino rito dahil sa laki ng halaga na kinakailangan.

Isa pa, ura-urada ang paghiling nito ng ganito kalaking badyet at hindi basta ito matutugunan ng pamahalaan.

Lalong mawiwindang ka kung iisipin mong hindi pala nakahanda ang ospital na ito sa ebola na siya pa namang inaasahang kauna-unahang sasalo sa mga may ebola.

Sino ang hindi mapapraning ukol sa RITM, lalo na kung may halong pagdududa sa kung saan-saan mapupunta ang P500M-P600M pondo rito?

HAKA-HAKA LAHAT

Para sa mamamayan, haka-haka pa lamang ang lahat ng ito na kababuyan sa DoH.

Pero dahil na rin sa pagpwersa ng Malakanyang kay Ona na lumiban o magpahinga, aba, masasabi nating kung may usok, may apoy o bagang pinanggagalingan nito.

Ang mabuting gawin ng mga kinauukulan ay magsagawa na ng imbestigasyon para malaman kung totoo o hindi ang mga bintang sa korapsyon at pang-aabuso sa serbisyo at panagutin si Ona kung totoong may mga “kahindik-hindik” na gawain o pangyayari sa DoH.

‘Di ba, Commission on Audit Chairman Grace Pulido-Tan? Hehehe!

DRILON USIGIN DIN

Kung bilyong piso ang pinag-uusapang “korapsyon” sa mga proyekto ni Ona, bilyong piso rin ang pinaniniwalaang korapsyon sa proyekto ni Senate President Franklin Drilon.

‘Yun bang === Iloilo International Convention Center.

Dito umano inubos ni Drilon ang kanyang parte sa Priority Development Assistance Fund at Disbursement Acceleration Programa.

Siya mismo ang nagsasabi nito. Pero may malaking duda kung talagang inubos sa proyekto ang P1B pera ng mga mamamayan.

P480M DINUGAS

Sa tantiya ni Manuel Mejorada na dating empleyado o consultant ni Drilon sa Senado at dating provincial administrator ng Iloilo, nasa P480-milyon ang dinugas sa proyekto sa pamamagitan ng overpricing.

Sangga agad ni Drilon, dapat ang tanungin ay si Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson.

Basta ang ginawa lang umano ni Drilon ay ituro ang ICC na kanyang proyekto at ang DPWH na ang nangasiwa ng lahat. Wala umanong dumaan na salapi sa kanya. Hehehe.

Pero giit ni Mejorada, kasama ni Drilon sina Singson at Tourism Secretary Ramon Jimenez sa sabwatang korapsyon sa ICC.

SA SENADO

Kung sobrang sipag ang Senate Blue Ribbon committee sa bilyon ding overpricing kuno sa Makati parking building at Hacienda Binay, dapat ganito rin ang ipakita ng komiteng ito sa ICC ni Drilon.

Kitang-kita na nagiging aktibo ang komite sa pangangalap ng ebidensya para mababoy si Binay at para patas ang lahat, kailangan ding litsunin si Drilon.

Baka naman ang mangyari, eh, magiging kawawa lang si Mejorada sa paghahanap at paglalabas ng mga ebidensya laban sa tatlong itlog ni PNoy sa Senado.

Alalahaning bosing ng mayorya sa Senado si Drilon at kaalyado pa ito ni PNoy.

Baka maranasan ni Mejorada ang naranasan ni kahindik-hindik COA chairman Tan na nagrereklamo na ayaw maglabas si Budget Secretary Butch Abad ng mga detalye sa korapsyon ng mga kaalyado ni PNoy habang bumabaha ang mga detalye o dokumento nito laban sa tatlong itlog sa Senado na hindi nila kaalyado.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>