Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KALIKASAN INGATAN

$
0
0

DAHIL sa pagbabago ng ating panahon at sanhi ng pagkaabuso nang ating kapaligiran, marapat lamang na obserbahan ang mga mahahalagang programa ni Kalihim Ramon J. P. Paje ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nauukol sa ating mga kagubatan at biodiversity.

Palitan natin ang mga mawalang puno sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga bagong punong-kahoy, sapagkat ito’y nakapagpapataas ng biodiversity level, nakapagsasanggalang laban sa erosyon ng lupa at nakapagpapainam pa sa kalidad ng lupa.

Ang reforestation ay nagpapalakas sa kapit ng lupa na nagpapatatag dito kaya tumataas ang level ng biodiversity at nagsasanggalang sa mga species upang mag-alisan. Iwasan din natin ang pagtatapon ng upos ng sigarilyo upang makaiwas sa maaaring pagsimulan ng forest fires.

Protektahan din natin ang ating mga watersheds, at mintinahan ang ating water systems. Gamitin natin sa matalinong paraan ang tubig, ‘wag magsayang nito.

Magtanim din ng mga halaman na matibay laban sa tag-tuyot, gayundin sa mga halamang mahina sa sobrang ulan.

Magtanim ng sapat na gulay at mga punong namumunga upang tayo’y magkaroon ng sapat at masustansyang pagkain. Pero umiwas din tayo sa sobrang paglalagay ng abono sa mga tanim na halaman, sapagkat nag-iiwan ito ng panganib sa kalusugan ng mga tao.

Base sa ulat ng Bulacan Province Hydrological Situation (as of 8:00 AM (LST) November 5, 2014), ang kalagayan ng tubig sa Angat dam ay 205.74 meters, ang Bustos dam naman ay 16.92 habang ang IPO dam ay 100 meters. Kailangan nating magtipid sa tubig, kahit pa ang tubig natin sa mga dam ay above normal level.

Nararapat ang agaran pagpapatupad ng water catchment basins o pag-iipon ng mga tubig-ulan, pag-recycle at re-use ng tubig, bilang paghahanda sa pagdating ng tag-tuyot sa susunod na taon.

Pangalagaan ang kalikasan, sa ganitong paraan makapag-aambag tayo ng mabuti sa ikabubuti ng lahat para sa sa maligaya at ligtas na tirahan ng mga tao. ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.