Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BANTAYAN ANG BULACAN AT SUGAL KALAT SA LAGUNA

$
0
0

HINDI lamang ordinaryong pangungupit sa Kapitolyo ng Bulacan ang ginawa ni Gov. Willy Alvarado at ng kanyang mga kampon. Kundi milyones na pangungulimbat!

‘Yan parekoy ang paniniwala ng nagsampa ng kasong “plunder” kay Gov. Alvarado et al.

Kung paano niya idedepensa ang sarili ay tiyak may nakahanda ng katwiran si Gob.

Ang hindi lang matiyak ay kung kailan uusad ang hijo de-putang kaso na kasalukuyang nasa salumpuwit ng Ombudsman!

Kaya nga ang tanging magagawa na lang ng mga taga-Bulacan ay idilat nang maigi ang kanilang mga mata. Para mabantayan ang kanilang kaban!

Ang siste, parekoy, ang isa sa mga paraan kung paano masubaybayan ang mga proyekto sa Bulacan ay kinadyot naman nina Gob.

Ang tinutukoy natin ay ang Financial Management Information System kung saan ay maraming tao o tanggapan ang may access para masuri ang galaw ng bawat proyekto ng kapitolyo.

Ayon nga sa ating “tawiwit,” kung talagang maayos na daloy ng serbisyo o proyekto ang hangad ni Gov. Alvarado ay hindi nito titigbakin ang Financial Management Information System.

Dahil maliban sa magiging usad-pagong na ang pagkilos ng mga dokumento ay palaging naririyan ang agam-agam na magkakaroon ng pangungulimbat sa bawat proyekto.

Dahil sa sistema ngayon tanging si Gob na lang at ilang alipores nito ang nakasisilip sa kalagayan ng bawat proyekto!

King-ina, parekoy, buti sana kung walang bahid-dungis ang serbisyo ni Alvarado. Dahil kahit ipitin pa niya sa singit ni Congresswoman ang mga dokumento ay walang maghihinala.

Pero dahil nga may nauna nang plunder case si Alvarado, lahat na lang ngayon ng kanyang ginagawa ay pinagdududahan na ng mga taga Bulacan!

Eh, bakit nga, Gob, mukhang itinatago na ninyo ang mga dokumento? May gagawin kayo hano!

Bantayan ang Bulacan! Baka nakawin! Ehek!

-o0o-

Sa mga nagtataka kung bakit ubod ng lakas at hindi naipatitigil ang iligal na sugal nitong tinaguriang Laguna “bookies king” na si dating Bay, Laguna Mayor Edwin Ramos na mas lalong kilala sa tawag na ER, ay mas makabubuting itanong natin kay PD.

Totoo ba Provincial Director Supt. Florendo Saligao na regular ang parating ni ER sa iyong tagatanggap? Este tanggapan?

Totoo ba Col. na kahit may mga opisyal ng humihingi sa iyo ng pahintulot na ratsadahin na si ER ay hindi mo sila pinapayagan?

Kung totoo, magkano nga? Letseng buhay ito! At kung hindi totoo, eh, bakit patuloy na namamayagpag ang lintek?

Masama namang aminin na kaya hindi siya nasusupla ay dahil inutil ka! BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES