Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

IMPUNITY vs MEDIAMEN LABANAN AT PIGILAN

$
0
0

NAPAKAHALAGA ang buwan ng Nobyembre para sa mediamen sa buong mundo at sa Pilipinas.

Ito’y dahil sa kinilala sa unang pagkakataon ng United Nations ang kahalagahan ng mediamen o mamamahayag bilang mahalagang bahagi ng lipunan at ng mundo.

Sa unang pagkakataon, ginunita ang Nobyembre 2 bilang International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists.

Ginawa ito upang makatulong ang UN sa pagpigil sa walang habas na pamamaslang sa mga mamamahayag sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang na ang Pilipinas.

AMPATUAN MASSACRE

Sa buwan ding ito, ngunit noong Nobyembre 23, 2009 naganap ang Ampatuan o Maguindanao massacre na ikinamatay ng may 58 katao, kabilang na ang 33 na mamamahayag.

Ilang tulog na nga lang ay muli nating gugunitain ang nakaririmarim na pagmasaker sa ating mga kasamahan sa lalawigan ng Maguindanao na kinasangkutan umano ng ilan sa mga makapangyarihang pamilyang Ampatuan.

Lalo na ang mag-aamang dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan, Sr. at mga anak nitong sina dating Mayor Andal Ampatuan, Jr. at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan.

Ang Ampatuan massacre ang pinakamasahol na krimen laban sa mga journalist at isa ito sa mga nagtulak sa UN na gumawa ng aksyon para maprotektahan ang buhay ng mga mamamahayag at maisulong na rin ang pambansa at pandaigdigang kalayaan sa pamamamahayag.

LABAN SA IMPUNITY

Pangatlo sa buong mundo ang Pilipinas sa mga bansang kung may pumatay
sa mediaman ay ganoon na lamang.

Walang giyera sa Pinas na kasintindi ng nasa Iraq at Somalia pero talaga namang basta na lang kinakatay ang Filipino mediamen.

Simula noong 1986 na muling pagbangon ng malayang pamamahayag bilang bunga ng EDSA People Power, umaabot na sa 171 ang napapatay.

Kung uungkatin natin ang mga kasong ito, mga Bro, bibihira ang nahuhuli at nakakasuhan.

Kung meron man, pawang ang mga trigger man lang at kasama ng mga ito na pumapatay.

Pero ang mga utak ng krimen?

Halos wala tayong nakikilalang kabilang sa mga ito.

Ngayon na lang lumalabas ang mga utak gaya ng mga taga-Malakanyang na damay sa P720-milyong fertilizer scam na dahilan para patayin si Marlene Esperat sa harap pa ng kanyang mga anak habang sila’y naghahapunan.

Ngayon lang din lumalabas ang pagkakasangkot bilang mga mastermind ng mga gobernador, gaya ni dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid nitong si Mayor Mario Reyes, Jr.

Sumurender naman sa korte si dating Davao de Sur Gov. Douglas Cagas na isinangkot sa pagpatay kay Nestor Belido, Sr.

Mayroon ding mayor sa Dingalan, Aurora na isinangkot sa pagpatay sa isang lokal na newsman sa lugar.

Ang deklarasyon ng UN laban sa impunity o walang habas na pamamaslang sa mediamen ay mahalaga sa ganitong mga sitwasyon.

KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG

Kauna-unahang biktima ng mga pamamaslang syempre ang mga mediaman.

Ang pagpatay ang pinakamabisang paraan ng censorship sa media. Kung patay na ang mediaman, patay na rin ang tagapagbalita.

Kaya naman, bilang epekto ng mga pamamaslang ay ang kamatayan din ng karapatan sa pamamahayag.

Pero walang kwenta ang kalayaan sa pamamahayag kung pinapatay naman ang mediamen.

Magkagayunman, dapat pa ring bigyan ng pagpapahalaga sa institusyong pamamahayag, lalo na kung iisipin na ang karapatang ito ay mabubuhay at mabubuhay at hindi nakatali sa buhay ng bawat mediaman na pinapatay.

Ang malayang pamamahayag kasi, mga Bro, ay inborn o bahagi ng buhay ng tao. Kaya naman, mamamatay man ang isa, dalawa o maraming mediaman, mabubuhay at mabubuhay pa rin ang karapatan sa malayang pamamahayag dahil likas ito sa buhay ng isang tao.

Kinakailangan nga lang na bigyan ang likas na karapatang ito ng pagkilala sa pamamagitan ng mga batas, kabilang na ang deklarasyon mismo ng UN gaya ng deklarasyon laban sa immunity kaugnay sa pagpatay sa mediamen.

28 PATAY MADARAGDAGAN

Sa 171 na patay nang mediamen mula noong 1986, nasa 28 na ang napapatay sa ilalim ng Aquino administration.

Ipinagdarasal natin na hindi na sana ito madagdagan. Pero uubra kaya ang dasal sa mga anak ng tokwang kriminal sa loob at labas ng pamahalaan?

Ayon sa isang pag-aaral ng Committee to Protect Journalists, pinakamarami sa mga pagpaslang sa mahal kong Pinas ang nauugnay sa mga taong pamahalalan.

Sila ang mga utak sa mga pagpaslang at kakaunti lang ang gawa ng mga druglord, gambling lord at iba pang ordinaryong kriminal.

Pero sa takbo ng politika kaugnay ng halalang 2016, mainit ang politika.

Tiyak ang mga sunod-sunod na paglabas ng mga kabulukan ng mga pamahalaan bilang bunga ng maruming pulitika at tunay na malawak na kabulukan sa Pinas …kahit pa sa ilalim ng Tuwid na Daan.

At habang palapit nang palapit ang halalan at parumi nang parumi ito sa paglabas ng kabulukan ng mga politiko, tiyak na mag-uulat at mag-uulat ang mga mamamahayag.

Dito muling magkaroon ng mga kamatayan sa hanay ng mediamen.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>