Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAKIT DAPAT PANGALAGAAN ANG ATING TOURIST ATTRACTION

$
0
0

NGAYON na mas napapansin na tayo ng mga travel wholesaler at mismong mga banyagang turista, importante na ayusin natin ang ating bakuran para mas lalo pa itong maging kaaya-aya para sa mga daragsa pa sa ating mga tourist attraction.

Ano sa palagay mo ang sasabihin ng mga turista pagbalik nila sa kanilang bansa at kinakamusta ng kanilang mga kaanak at kaibigan ang biyahe nila sa Pilipinas?

Natural, ‘pag hindi maganda ang karanasan nila sa atin, huwag mong asahan na mae-engganyo pa nito ang mga kakilala na pumasyal naman dito.

Kaya napakahalaga na pagsikapan natin na maganda ang maging karanasan at alaala ng mga bisita nating banyaga.

Kaso, marami sa ating kababayan ang makikitid ang utak at masyadong short-sighted ang pananaw at ang hangad lang ay pansarili at nais na kumamada agad. Kaya ayan, wala silang pakialam sa ikatatagal ng biyayang dulot ng turismo sa isang lugar. Panay pananamantala at panlalamang.

And’yan ang mga dynamite fisherman na sumisira ng corals sa dagat, ang mga boatman o horseman na naghahangad ng mga turista para sa overpriced boat rides o horseback riding. Ang mga tauhan ng tourist accommodation na nanakawan pa ang kanilang mga bisita. Ang tindera ng mga souvenir item na madaling masira.

Why kill the duck that lays the golden egg? Huwag nating patayin ang turismo sa ating mga tourist attraction. Tandaan natin ang sinasabing multiplier effect ng tourism kung saan mas maraming nabibigyan ng trabaho at pagkakakitaan.

Maganda sana na mabalik ang isang programa ni dating Tourism Secretary Ace Durano na epektibo sa pagkumbinse sa mga dating pasaway na maging protector at nangangalaga ng turismo sa kani-kanilang lugar sa pamamagitan ng: 1) providing easy access to capital, 2) skills enhancement training, at 3) values formation.

Turismo Mismo ang tawag sa programang ito kung saan matututunan ng mga taong involved sa tourism products and services ang importansiya ng “Culture of Excellence” at “Value of Tourism.”

Epektibo ito dahil iminulat sa mga tourism stakeholder ang kahalagahan ng misyon ng turismo para sa bansa, binigyan sila ng tamang training para mas lumaki ang tyansa nila na maging successful sa kanilang negosyo o trabaho at saka sila binigyan ng pondo para mapatupad ang kanilang mga pangarap para sa kanilang produkto at serbisyo.

Ito ang sagot sa kahirapan … Turismo, mismo! ABISO/PAUL EDWARD SISON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>