NOONG Nobyembre 7, 2014, inilunsad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ikalawang Nationwide Simultaneous Run na gaganapin sa ika-15 ng Pebrero, 2015 sa 13 rehiyon sa buong bansa. Ang pagtakbo ay isang pangunahing aktibidad na ini-organisa ng PhilHealth, bilang tatak ng kanyang ika-20th taon na may temang, “Ensuring Universal Coverage for All Filipinos!”
Ito’y tinaguriang “PhilHealth: Ready, TseKaP, Go,” ang kaganapan ay maghuhudyat sa kontribusyon ng PhilHealth para sa Kalusugang Pangkalahatan agenda ng administrasyong Aquino, at pataasin ang kaalaman ng publiko ukol sa health care benefits at serbisyo na maibibigay sa mga miyembro.
Ang paglulunsad ay nagsimula sa pagtatanim at pagpapalago ng mga puno sa 13 rehiyon bilang simbolo ng dedikasyon ng PhilHealth para sa pagprepreserba ng ating kalikasan.
Ito rin ay naghuhudyat sa official countdown sa isang daang araw bago maganap ang pagtakbo sa Pebrero 15, 2015.
Magaganap ang pagtakbo sa mga siyudad ng Quezon, Baguio, Dagupan, Tuguegarao, Olongapo, Lucena, Lipa, Naga, Iloilo, Cebu, Tacloban, Davao at Koronadal. Ang nasabing pagtabo ay magdadala sa tema sa mga pangunahing care benefit package or ‘TSeKaP’ upang maipaalam sa mga target participants, partikular doon sa mga kabilang sa mahinang sektor ng lipunan, ang kahalagahan ng prebensyon laban sa mahal na gastusin sa pagpapa-ospital. ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG
