Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SANA HINDI TAYO TAMAAN NG EBOLA

$
0
0

MAGANDA ang ginawa ng pamahalaan at pamilya ng mga peacekeeper kaugnay ng banta ng sakit na ebola.

Istriktong ipinatupad ng gobyerno ang mga patakaran laban sa ebola sa pamamagitan ng pagbabawal ng anomang kontak sa pagitan ng mga peacekeeper at pamilya ng mga ito habang pinagsuot din ng mga protective gear ang lahat ng mga nag-asikaso sa mga ito sa kanilang pagdating.

Mula sa mga driver ng mga sinakyan ng mga ito hanggang sa Caballo Island sa karagatan ng Cavite kung saan sila isasailalim sa 21-araw na quarantine hanggang sa pagbibigay ng suplay sa mga ito sa pamamagitan lamang ng mga helikopter.

Ang mga pamilya naman ay hindi nagpilit na makipagkita nang personal sa mga sundalo at sapat nang nakadama sila ng ligaya sa pagkakita sa mga mahal nilang peacekeepers.

Hindi rin nagpilit ang mediamen na lumapit sa anomang pagkakataon sa mga peacekeeper at sapat nang nasilayan ng mga ito ang kanilang pagdating.

DISIPLINA AT PAG-UNAWA

Makatutulong nang malaki ang pagkakaroon ng disiplina, pag-unawa, pagsunod sa mga patakaran at iba pang bagay laban sa sakit na ebola.

Ito ang nakita natin nang dumating ang mga peacekeeper.

Kung panghahawakan ng lahat ang mga prinsipyong ito, makatutulong tayo sa isa’t isa, maging sa pamahalaan, sa pagpigil sa pagdating ng sakit sa bansa.

Pero may malinaw na malinaw na kalagayan ng mga mamamayan.

‘Yun bang === tila alam ng lahat ang sakit na ebola…na nakamamamatay …nakahahawa …at mabagsik kung tumira sa tao.

Ito na rin siguro ang pangunahing dahilan kung bakit lahat ay sumusunod sa mga patakarang pangkaligtasan na inilalatag ng pamahalaan. At magandang kalagayan ito.

Nangangahulugan din na sakaling may magkaroon ng ebola, makaaasa tayo ng matinding reaksyon at ito ang pupwersa sa mga kinauukulan na umaksyon kaagad.

MANATULING MULAT

Dapat ipagpatuloy ng lahat ang kanilang gising na gising na diwa at kamulatan ukol sa ebola.

Tungkulin naman ng media na bigyang atensyon ang pangangailangan ng mga mamamayan sa mga agarang impormasyon ukol sa sakit.

Ang media ay dapat 24-oras na handang magbigay ng impormasyon sa mga mamamayan ukol sa ebola para sa mga karampatang pagkilos.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 0921430333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>