Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SUCCESS ANG HAPPINESS

$
0
0

AYON sa kilalang manunulat at nobelistang si William Patrick Kinsella, “success is getting what you want, happiness is wanting what you get.” Isang kasabihan na aking napatunayan mula sa kwento ng buhay ng isa nating kababayang naninirahan sa Estado Unidos – siya si Marie Coble, ang Pinay na nakasumpong ng tagumpay at labis na kaligayahan sa isang banyagang bansa.

Nakilala ko si Marie sa minsang pagbisita ko sa Chicago, USA. Ayon sa kanya, ang pagpunta at pagtatrabaho sa Amerika ay dating pangarap lamang para sa kanya na hindi niya inaakalang magkakaroon ng katuparan at ‘di kalaunan ay higit pa, sapagkat hindi lamang trabaho ang kanyang nahanap doon kundi maging ang mabait at mapagmahal na asawa niya.

Sa Sucat, Parañaque noon naninirahan si Marie, kasama ang kanyang pamilya, subalit taong 1986, ay nabigyan siya ng pagkakataon na tuparin ang kanyang mga pangarap.

Kasama ang kanyang ina at baon ang positibong pananaw ay nilisan niya ang ating bansa at hinarap ang buhay sa Estados Unidos. I was just all excited, ‘cause, I did not know what I’ll encounter next,” kwento niya.

Sa minsang pagdalo, kasama ng kanyang mga kaibigan, sa isang pagtitipon doon ay hindi sinasadyang isang lalaking Amerikano na may lahing Hapon ang kanyang nakilala.

“We met at the party, I didn’t know that this guy had a crush on me, he just became a good friend, the friendship grew and he proposed to my parents, then to my grandfather and then before I knew it, I was getting married,” salaysay pa niya.

Bagama’t masasabing bata pa sa edad na 21, taong 1987 nang nagdesisyong magpakasal si Marie at hindi niya inakala na magiging lubos ang kanyang kasiyahan sa buhay may-asawa.

Matapos magtagumpay sa buhay may pamilya, naabot din ni Marie ang pangarap na una niyang inasam, nakapagtrabaho siya bilang isang licensed freight forwarder at hindi nagtagal bunga na rin ng labis na pagsisikap at pagtitiyaga ay naging isang licensed recorder ng NBOCC export and import of the world.

Para kay Marie, halos naabot na niya ang pinakarurok ng kanyang tagumpay at wala nang hahanapin pa, sapagkat ang mga bagay na noo’y kanya lamang tinatanaw at hinahangad ay napasakamay na niya.

“I think we are very successful in our own way, success can be measured in different ways, it is not always measured by money. Just be happy. Life is short,” pagtatapos niya.

Sa buhay, maaring iba-iba ang sukatan natin ng tagumpay subalit iisa ang sigurado, hindi maituturing na tagumpay ang isang tagumpay kung walang kasiyahang nadarama kapag ito’y napasa-atin na.

*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayang overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Linggo 10:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT. PASAPORTE/JR LANGIT


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>