SA rami ng mga nakausap nating taga-Bulacan ay iisa ang kanilang tono.
Na ayaw na nila kay Gov. Alvarado dahil nasusuka na umano sila sa mga ulat ng pangungulimbat na kinasasangkutan nito.
Kanilang tinuran ang napakaraming puna ng COA hinggil sa kahina-hinalang mga transaksyon ng Bulacan kung saan ang pinakahuli ay ang porsyento sana ng probinsya mula sa perang kinikita ng Small Time Lottery.
Matanong lang kita, Gov, Alvarado, anong proyekto na nga ba ng Bulacan ang napondohan mo mula sa STL?
Kung meron man, eh, bakit hindi alam ng mga taga-Bulacan?
Magkano na nga ba ang naparte ng Bulacan mula sa milyones na kinikita ng STL?
Kung meron man, eh, bakit hindi alam ng COA? Nagsasabwatan lang ba kayo at ng STL operators?
Sa totoo lang, Gob, ako ang nanliliit habang pinagmumura ka ng aking mga nakausap dahil sa anila ay nakaririmarim na pinaggagawa mo!
Hijo de-putang magnanakaw, ganid, sinungaling bolero at kung ano-ano pang masasakit na salita ang aking napakinggan. At gustuhin man kitang ipagtanggol ay wala akong magagawa. Hek, hek, hek!
Dahil silang mga taga-Bulacan ang higit na nakararamdam ng klase ng iyong serbisyo at pagkatao.
In-short, sila ang tunay na nakaaalam kung magnanakaw ka nga o hindi!
Katunayan, ayon sa aking mga nakausap, eh, kahit bolahin mo pa raw ang lelang mong panot ay hinding-hindi na sila boboto sa iyo!
Susmaryosep! Maghunos-dili naman kayo! Para gan’un lang, eh, isusuka na ninyo agad ang inyong Gobernador?
Eh, pangungulimbat lang naman ang kanyang kaso ‘di ba? Ehek!
-o0o-
Nais lang nating itanong kay Sr. Supt. Jireh Omega Fidel kung sino ang mga may-ari ng sandamakmak na peryahan sa Batangas at kung magkano ang tinatanggap niya mula sa mga ito.
San Carlos ng Lipa, malapit sa munisipyo ng Mataas na Kahoy, Balagbag ng Lipa, sa Batangas City, at paradahan ng Dagatan, at sa Laurel.
Francia naman ang itinuturong may-ari sa Bangcoro, Taal.
Kay Twinkle ang sa Ilaya, Lemery; Denden ang sa Coral na Monte sa Agoncillo; at Barbara sa Subic, Agoncillo.
Sa Tulo ng Taal ay kay Francia at sa Inicbulan ng Bauan ay kay Juvy.
Si Alice Gulod ng Laurel, Tina sa Mainaga ng Bauan, Ivy sa Sabang ng Lipa, Jun-Jun sa Nasugbo, Boknoy sa Tanauan City at sa Bgy. Bugtong ng Lipa at Vines sa Niyugan ng Balayan ay ipinagyayabang ni Yolly na may patong siya kay PD!
Ano pa ang hinihintay mo, Kernel? BURDADO/JUN BRIONES
