Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PEOPLE’S DAY SA BULACAN; ILIGAL NA SUGAL SA PASIG

$
0
0

TUWING Lunes ay ginaganap sa lalawigan ng Bulacan ang tinatawag na “People’s Day.”

Ito, parekoy, ang araw kung saan si Gov. Alvarado ay namumudmod ng “barya” sa mga naghihikahos na Bulakenyo.

In-short, tuwing Lunes ay sangkaterbang kalalawigan niya ang nagtitiyagang luminya sa napakahabang pila para lang maambunan ng pera ni Gob.

‘Yun nga lang, kalimitan ay halos himatayin na sa gutom ang mga tao bago nila mahawakan ang kaunting “barya” na tulong (kuno) ni Gov. Alvarado!

Sa totoo lang, parekoy, wala tayong pakialam kung saanman nanggaling ang perang ipinamumudmod ni Gob.

Kung ito ba ay bahagi ng milyones na umano’y kinulimbat niya sa kaha ng Bulacan na nagresulta sa mga kasong plunder na isinampa laban kay Alvarado.

May mga nagsisiwalat naman na “jueteng money” ang mga ito na iniaambon sa mahihirap para hahanap-hanapin nila si Gob tuwing Lunes, at, opkurs pampabango ni Alvarado sa mga tao.

Ang siste, parekoy, dahil sa ginagawa ng Gobernador ay para na rin niyang inamin na walang proyekto ang kanyang administrasyon para iangat ang kabuhayan ng kanyang nasasakupan!

Kumbaga, mas gusto ni Alvarado na nakalugmok sa kahirapan ang kanyang mga kababayan para manatiling nakatunganga ang mga ito sa barya ng Gobernador!

King-ina, Gov. Alvarado, diskarteng gago ‘yang ginagawa mo!

Mas kailangan ng mga taga-Bulacan ang konkretong programa o proyekto para maiahon sila sa kahirapan. Hindi ‘yung tuwing Lunes sila ay nililimusan!
Letse!

Dahil sa totoo lang, kung hindi lang nananakaw ang pera ng Bulacan para sa mga makabuluhang proyekto ay hindi na sana sila pinagmumukhang timawa!
King-ina!
Ayon naman sa ilang nakausap natin, pinagtitiyagaan na nilang tanggapin ang “barya” ni Gov. Alvarado. Kesa naman wala talaga umano silang mapaparte man lang mula sa perang pinagnakawan!

Susmaryosep, Gob, karamihan pala sa mga nakapilang ‘yan ay naniniwalang totoo ang kaso ng pangungulimbat na isinampa laban sa iyo.

In-short, naniniwala pala sila na ang ipinamamahagi mo ay barya lang kung ihahambing sa milyones na ninakaw.

At iginigisa mo lang sila sa sariling mantika!

-o0o-

Matatag talaga ang operasyon ng lotteng ng mag-asawang Cris at Rose sa Pasig City.

Kaya naman kilalang-kilala na halos sa buong ka-Pasigan ang mag-asawang ito.

Hindi lang, parekoy, sa pagiging iligalista. Kundi sa matindi nilang konek kay Pasig Mayor Maribel Eusebio at sa hepe ng kapulisan na siya nilang ipinangangalandakan kaya hindi nararatsada ang kanilang katarantaduhan!

Kaya naman bata’t matanda ay nagugumon na sa pagtataya ng lotteng sa siyudad. BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>