Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

INVESTORS NG PALAWAN, NCIP NAGBABANTAYAN

$
0
0

MISTULANG nagbabantayan yata sa isa’t isa itong mga investor ng Coron at Busuanga sa Palawan at itong National Commission of Indigenous People o NCIP na nasa ilalim ng  tanggapan ng Pangulo.

Personal ko mismong nasaksihan at nakita ng dalawa kung mata ang mala-paraisong isla ng “Malcapuya” na nakatiwangwang at para talagang napabayaan, nakapanghihinayang lang na ang ganito kagandang isla ay nababalewala.

Sa nakuhang impormasyon ng Lily’s Files ay lumalabas na ang Boracay Regency ang isa raw sa may-ari nitong Isla ng “Malcapuya” kaya kahit anong oras ay puwede nila itong maipa-develop para maging isang napakagandang resort.

Sa ating mga nakausap na Indigenous People o IP ay lumalabas na parang sinadya ng mga may-ari ng Isla na huwag itong i-develop sa pangambang baka padalhan sila ng TRO isang bosing ng Regional Hearing Office, Region 4-B ng NCIP.

Sinasabing ang trabaho raw ng NCIP ay bantayan ang mga may-ari ng islang ide-develop at kapag nasa kalagitnaan na ang trabaho ay padadalhan ito ng mga bosing ng NCIP ng TRO para mahinto ang development o construction ng isla.

Dito pumapasok ang lagayan system. Natural ang isang investor na gumastos na ay gagawa ng paraan para matuloy lang ang proyekto o development ng Isla.

Makikipag-areglo ang may-ari ng Isla sa mga bosing para tanggalin ang TRO sa isang CASH-sunduan kung ano ito ay tanging ang  investor at si Gabaen lang ang nakaaalam.

Parating isinasangkalan ng NCIP ang mga IP daw, sinasabing ang isla na kanilang binibigyan ng TRO ay pag-aari ng IPs pero bakit milyon ang hinihingi nilang pera sa investors na nakikipag-areglo sa kanila pero ang ibinibigay lang nila ay tig-P500.00 lang sa ilang IP lang din.

Ito nga ang nangyayari sa Isla ng Malcapuya. Para bang binabantayan ng NCIP ang  investors na magsimula ng kanilang contruction/development para mapadalhan ng TRO at  ang investor naman ay binabantayan din at hinihintay rin ang ipalalabas na TRO ng NCIP.

Kawawa ang mga investor. Katulad na lang noong isang isla na may nakalaang P10-bilyong budget para sa contruction nito, hinintay munang makagastos ng mahigit isang daang milyon bago ito padalhan ng TRO.

Walang nagawa ang investor na ito kundi i-pullout ang kanyang project sa nabiling isla at inilipat na lang sa Bohol, dahil sa Bohol daw ay hindi uubra ang mga kagaguhan ng NCIP at ni Gabaen.

Inamin mismo ito ni Coron Vice Mayor Jim Geralde L. Pe, na ang P10B project na ito ay nasa Bohol na, hinayang na hinayang si vice dahil dagdag-kita nga naman ito sa kanilang probinsya.

Sabagay nga naman, ako man ang investor ay mas gugustuhin ko nang ilipat ang aking project kaysa naman isiksik ko ito sa isang lugar na pinamumugaran ng mga taong gahaman at corrupt na opisyal ng ating gobyerno.

Nagtataka lang ang mga investor kung bakit sa ibang lugar ay hindi ganoon ang ginagawang panggigipit ng NCIP sa mga investor samantalang sa Boracay, Busuanga at Coron ay mahigpit sila.

Pangulong BSA3 , aba eh, kung hindi mo kayang rendahan ang iyong mga tauhan sa NCIP ay huwag ka nang mag-abroad nang mag-abroad para mag-imbita ng investors, sayang lang ang perang ginagastos mo sa biyahe tapos ganyan ang gagawin ng NCIP kapag may investors na rito. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Best Papa jack Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>