Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAGTIWALA SA PULIS AT MGA PULIS-PATOLA

$
0
0

SINASABI ng Philippine National Police na bumababa na ang krimen sa buong bansa dahil nagiging epektibo umano ang mga hakbangin nito laban sa krimen. Magandang balita ito at dapat na palakpakan ang kapulisan.

KAPANSIN-PANSIN

Ang kapansin-pansin naman na galaw ng kapulisan ay ang paglitaw ng mga ito sa mga lansangan nang wala sa oras.

‘Yun bang=== pagsulpot ng mga checkpoint. Para sa atin, maganda ito. Pamigil sa krimeng nais na isagawa ng mga kriminal.

Kaugnay nito, nais nating tanungin ang mga kinauukulan ukol sa mga riding-in-tandem na pumapatay ng kung sino-sino, nanghoholdap sa mga mamamayan sa  kalsada at kung ano-ano pa.

Bumaba na ba ang rekord dito?

MAY PULIS NA, MAY PULIS PA

Makaraan ang P1-milyong iskandalo ng mga pulis-Quezon City sa hulidap sa EDSA sa Mandaluyong, nasundan ito ng mga sunod-sunod na krimen sa lansangan na may sumasabit na pulis.

May nanghulidap na grupo ng mga pulis sa Maynila. May tatlong pulis na nangholdap ng P1M sa Pasay.

May mga pulis na nadadakma at napapatay sa mga bilihan-bentahan ng mga droga. May mga nahuhuling sangkot sa mga karnaping.

Hindi naman mabilang ang mga nangongotong sa mga tsuper, vendor, operator ng mga pampublikong sasakyan at marami pang iba.

Anak ng tokwa, name it, you have it, ‘ika nga!

Tanong: kasama ba ang mga ito sa mga inirerekord-iniuulat ng mga pulis?

KIDNAPPING

Ano naman itong nauuso na pagkidnap sa mga kabataan-estudyanteng babae gamit ang mga sasakyan? Pinatutulog ang mga ito at dinadala sa kung saan-saan.

Nakararami ang tuluyan ng nire-rape at dinadala kung saan-saan, sa prostitusyon, sa kamatayan at iba pang malalagim na pangyayari gaya ng pagsunog sa kanila.

Kumusta, mga Bro, ang performance ng mga pulis sa mga kasong ito?

MAGTIWALA SA PULIS

Sa kabila ng lahat ng ito, naniniwala tayong marami pa ring pulis ang nabubuhay nang maayos at walang naiibang kati sa katawan.

Kaya masasabi nating dapat pa rin tayong magtiwala sa mga pulis… na sila ang ating mga bantay laban sa mga kriminal…at hindi bantay-salakay.

Kung kasindami o mas marami o kokonte ang ganitong mga pulis, ang mga mamamayan na lang ang tanungin ninyo.

Ang mga mamamayan ang tunay na makapagbibigay ng totoong larawan ng mga pulis.

Sila kasi ang biktima ng mga pulis-patola at mga kriminal.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>