MUKHANG sobra ang tahimik ng oposisyon sa Kongreso.
Kitang-kita sa ating mga mambabatas na kapanalig ng minorya sa Senado man o sa Kamara ang kanilang pananahimik dahil alam nilang hindi basta-basta kalaban ang kanilang makasasagupa sakaling mag-ingay at pumalag sila sa kasalukuyang administrasyon.
Nakita naman natin ang pruweba na kung saan tatlong senador ang pinakulong ng kasalukuyang liderato at iyon ay dahil sa pagiging kalaban nila ni PNoy bukod pa sa sila ang mga hadlang sa ambisyon ng kaibigan ng Pangulo na maging pinuno ng bansa.
Kung noong dating mga Pangulo ay maingay talaga ang oposisyon sa Kongreso katulad na lang ng Spice Boys na siyang tumuligsa kay Erap ay kakaiba ngayon dahil kapag ikaw ay dumakdak at lumaban sa Malakanyang ay tiyak na sangkatutak na kaso at posibleng sa kulungan pa ang iyong kahahatungan.
Malinaw sa ating nakikita sa ngayon sa Senado ang pananahimik nina Tito Sotto, JV Ejercito, Gringo Honasan at maging ang anak ni VP Jojo Binay na si Nancy.
Alam kasi nila ang kanilang kahahatungan sa sandaling sila ay ngumawa at mag-ingay dahil ibang klase ang istilo ng kasalukuyang liderato.
Bengador at kamay na bakal ang kanilang ibinabalik sa kanilang mga kaibayo at iyan ang obvious dahil kumpleto na sila sa research ng mga sinabi nating senador na mga nananahimik na.
Kitang-kita rin na lusot lahat ang panukala ni PNoy sa Kongreso at iyan ang kakaiba sa ngayon dahil mistulang nawala na ang boses ang oposisyon na siyang dapat fiscalizer ng gobyerno.
‘Yan ngayon ang klase ng demokrasya nating tinatamo at iyan din ang tinayuan ng tatay ni PNoy noon na si Noynoy dahil malinaw sa kasaysayan na ang ginagawang paggipit noon sa ama ng demokrasya ay inaabot ngayon ng mga kalaban ng nasa Palasyo.
o0o
Posible raw na maging tatlo ang maglaban-laban na mayor ng Caloocan City.
Bukod kasi sa magbabalik na si Recom Echiverri at kasalukuyang alkalde na si Oca Malapitan ay lalahok din daw itong si Congressman Egay Erice.
Iba lamang daw ang istilong ginamit na Egay sa ngayon dahil parehas nitong ginagapang ng tahimik ang mga tauhan ng magkabilang kampo.
‘Yan ngayon ang kaabang-abang sa Caloocan dahil masusubok na ngayon ang mga beteranong politiko sa lungsod minus Asistio at Malonzo.
ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO