Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NECK AND NECK NA ANG BINAY-POE RIVALRY

$
0
0

HALOS neck and neck na ang labanang Jejomar Binay at Grace Poe.

Kumbaga sa karera ng kabayo, photo finish na ang labanang ito ngayong katapusan ng 2014.

Kapag umalagwa na si Grace Poe laban sa deklaradong Binay for President sa 2015, maulit kaya ang masamang kahihinatnan ng parating na presidential election?

May kaba ang karamihan.

Katulad ng ama niyang si Fernando Poe, Jr. na kay tagal nag-isip kung tatakbo siya for President, gayundin ang pangamba ng mga taong nagsusulong ng kandidatura ni Grace for President.

Sa sandaling pumayag siya na maging kandidato sa pagka-Pangulo, mas malamang sa hindi na babatuhin siya ng mabahong putik ng mga kalaban niya sa politika.

Ano ang magiging issue laban sa kanya? Si FPJ at si Grace ay kailanman hindi nasangkot sa graft and corruption, hindi katulad ni Gloria Macapagal-Arroyo at ng pamilyang Jojo Binay.

Pero tiyak na makaiisip ang mga kalaban ni Grace ng mga issue laban sa anak ni FPJ.

Malikot ang kaisipan ng mga kalaban ni Grace.

May nagbubulong na ang tunay na ama ni Mrs. Grace ay ang yumaong si Ferdinand Marcos at ang ina naman niya ay kamag-anak ni Susan Roces.

Kung si Grace raw ang magiging Vice-President, si Bongbong Marcos ang siya namang magiging President o Vice President. ‘Yan ang bagong Marcos dynasty, wika ng iba.

At kung sakaling pumayag si Grace na maging kandidato for President, hahalungkatin din ang kanyang citizenship dahil madalas siyang nasa America kaysa Pilipinas.

Ang American citizenship din ni FPJ na ibinato sa kanya noong kandidato siya laban kay Gloria ay tiyak na hahalungkatin at baka may roong ma-manufacture na evidence laban sa kanya.

At ang mas delikadong pangyayari ay kung ang piliin ni Noynoy ay si Binay at hindi si Grace Poe. DEEP FRIED/RAUL VALINO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>